^

PSN Showbiz

Juday, may problema sa business partner

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nagkakaproblema ngayon si Judy Ann Santos sa unang negosyong kanyang itinayo, ang Kilimanjaro Bar na nasa Timog Avenue, pero ang problema ay wala sa kanyang mga tauhan kundi sa kanyang kasosyo.

Hindi nagpasukan nu’ng Lunes ng gabi ang kanilang mga waiters dahil katwiran ng mga ito ay hindi na nila makakaya pang lunukin at tanggapin ang verbal abuse na ginagawa sa kanila ng kasosyo ni Juday na si Bebot Santos.

Hindi kaanu-ano ng batang superstar si Bebot, nagkataon lang na pareho ang kanilang apelyido, nakilala lang ni Juday ang babaing ito sa pamamagitan ni Beth Tamayo na kaibigang matalik ng batang aktres.

Maganda ang naging samahan nila noong una, pero nitong bandang huli ay kaliwa’t kanang sumbong na ang tinatanggap ni Juday mula sa kanilang mga tauhan.

Kahit walang dahilan ay pinagmumura ni Bebot ang mga waiters, mainitin ang ulo nito at masyadong maduda sa lahat ng mga nangyayari sa Kilimanjaro.

May mga pagkakataon pang kapag nakainom si Bebot ay sigaw ito nang sigaw sa bar, nakikita namin kung paanong magwala ito kahit marami pang kostumer sa loob ng restaurant, kung minsan ay binabato pa nito ng kung anumang mahawakan ang mga waiters.

Minsan na itong kinompronta ni Mommy Carol dahil napakahalay tingnan ang isang babaeng nagwawala kapag nakakainom, nangako si Bebot na hindi na nito uulitin ang nangyari, pero ganu’n pa rin ang palaging nagaganap.

Dahil sa sobrang pagmumura sa kanilang mga tauhan ay nagdesisyon ang mga waiter na huwag nang mag-report nu’ng Lunes ng gabi.

Dumating kami sa naturang lugar na patay ang lahat ng ilaw, napakadilim ng paligid, samantalang wala namang pasabi sa amin ang mag-ina na hindi sila magbubukas ng gabing ’yun.

Ano nga naman ang mangyayari kung magbukas man sila, pero wala naman pala silang cook, waiter at bartender na mag-aasikaso sa kanilang mga order?
* * *
Nang gabing ’yun ay nakipag-usap nang personal si Judy Ann kay Bebot, matatag na ang desisyon ni Juday na kung ayaw ipagbili ni Bebot ang halagang isinosyo nito ay ang sosyo na ng batang superstar ang kanyang ibebenta kay Bebot.

Wala raw itong planong ibenta ang kanyang share, sabi ni Bebot, at wala rin itong kakayahang bilhin ang sosyo ni Juday, dahil wala itong pera.

Napakahirap ng katayuan ngayon ni Juday dahil mismong mga tauhan na nila ang ayaw magtrabaho nang dahil kay Bebot, pero ayaw namang makisama nito sa kanilang mga tauhan.

Hindi na masaya si Juday sa mga nangyayari, dahil mismong ang kasosyo niya ang gumagawa ng problema sa Kilimanjaro.

Binuksan ni Bebot nu’ng nakaraang Martes nang gabi ang Kilimanjaro na ang kinuhang mga waiters ay ang mga datihan nilang tauhan na tinanggal nila sa trabaho dahil sa ilang bayolasyon.

Umiyak nang umiyak si Juday sa kanyang nakita, hindi na nakuha pang magsalita ng batang aktres, dahil masyado nang niyurakan ni Bebot ang kanyang karapatan bilang may-ari ng nasabing lugar.

Hatian na lang ang pinakamagandang paraan para makaalpas na si Judy Ann sa sitwasyong ito, kunin niya ang pera niya at kunin din ni Bebot ang karapat-dapat lang na mapunta dito.

vuukle comment

BEBOT

BEBOT SANTOS

BETH TAMAYO

DAHIL

JUDAY

JUDY ANN

KILIMANJARO

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with