Dagdag pa ni Ms. Ethel, walang indication na may problema sa relasyon nina Gretchen and Tony Boy nang bisitahin nila a week ago. In fact, nagkukuwento nga raw ang dating actress na mahilig kumain sa labas si Tony Boy kaya kung saan saan sila nakakarating para humanap ng masarap na makakainan.
Siya (Gretchen) rin daw mismo ang naghahatid kay Dominique sa school. By 6:00 in the morning, gising na raw si Gretchen para i-prepare ang gamit ng anak at ihatid sa International School. Siya na rin ang nagsusundo sa anak.
Ms. Ethel also informed na habang wala sa bahay si Dominique at Tony Boy, nagpupunta si Gretchen sa gym. Almost three hours din siyang nagwo-work out.
After gym, uuwi muna siya ng bahay and then susunduin ang anak. Pagdating nilang mag-ina sa bahay, nakabalik na raw si Tony Boy.
And by 8:00 oclock, ready na silang matulog. Pero hindi raw nila puwedeng palampasin ang tatlong soap opera ng ABS-CBN bago matulog - Sa Dulo Ng Walang Hanggang, Pangako Sa Yo and Sa Puso Ko Iingatan Ka.
By the way, Ms. Ethel also said, na magkakaroon ng special appearance si Gretchen sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Two taping days lang daw siya starting tonight.
Matagal ding hindi napanood si Gretchen sa TV. The last time I saw her, nag-alternate pa siya kay Dina Bonnevie sa D! Day. Umiyak pa nga siya sa last appearance niya during that time.
In any case, for so many years, naging devoted si Gretchen kay Tony Boy and Dominique. Pero hindi naman daw siya nabo-bore, in fact, nagi-enjoy siya sa kanyang ginagawa ayon pa sa kuwento ni Ms. Ethel.
Nakuwento rin daw ng actress na okey kay Tony Boy na gumawa siya ng pelikula - sa condition na dapat ala-Tanging Yaman ang tema nito.
Kailan lang nang nabalitang naghiwalay na si Gretchen at Tony Boy.
Kasi busy si Mia sa kanyang trabaho as chairman and president of NBN, hindi pa rin niya nalilimutan ang magsulat. Na-mention niya minsan na iba ang challenge sa scriptwriting at iba rin yung challenge na kinakaharap niya ngayon bilang chairman ng NBN.
Strip dancer ang role ni Assunta sa nasabing pelikula. "Actually, nag-strip dance talaga ako rito dahil ang nagtuturo sa akin, yun talagang nagtuturo sa mga professional strip dancer," she said sa isang chance interview.