Maya-maya ay biglang nawala sa kanyang paningin ang alagang aktor, akala niya ay umalis na ito at iniwan siya. May nakapagsabi sa talent manager na naroon lang ang alagang aktor sa katabing bar kaya sinundan niya ito. Marami-rami na ring nainom ang manager kaya iba na ang kilos nito at mainit ang ulo. Nilapitan nito ang aktor at sinurut-surot na waring sinusumbatan dahil sa rami nang naitulong niya rito. Bukod sa pelikula, napalaki rin niya ang pangalan nito. Walang nagawa ang aktor habang nagwawala ang manager sa galit. Hindi nito pinansin ang ibang taong naroon sa bar na nakatingin lang sa kanila.
Sabi naman ng ibang nakakakilala sa talent manager ay mabait naman ito at may sumpong lang kapag lasing na at ang napagtitripang sermunan o sumbatan ay ang alagang aktor na nagbida na rin sa pelikula kung saan mismong manager ang naging prodyuser dahil madatung ito.
Gusto ng seksing aktres na mag-ipon muna silang dalawa at malayo pa sa isipan na lumagay sila sa tahimik.
Baka sa isang buwan ay matuloy na ang syuting ng Boso na siyang launching movie niya. Makakapareha niya ang hinahangaang si Albert Martinez.
Ayon sa magandang aktres ay never siyang na-insecure dito bagkus itinuturing niya itong isang kamag-anak.
Ayon kay Lonely Woman nang mabasa niya ang isinulat ko tungkol kay Korina Sanchez ay di niya mapigilan na maluha dahil pinagpala ang broadcaster sa pagkakaroon ng masayang pamilya bukod pa sa pagiging matagumpay sa kanyang trabaho. Inihambing nito ang kanyang sarili kay Korina kung saan pakiramdam ko ay nagkaroon siya ng self-pity. Ayon dito labingwalo silang magkakapatid. Dalawa lang ang nakatapos ng high school at karamihan ay nagsipag-asawa na kahit bata pa. Ang kanyang ama ay iresponsable, sugarol, babaero at walang ginawa kundi humingi nang pera. Ayon kay Lonely Woman ay hindi niya kayang pagsabay-sabayin ang paghingi nila ng pera kaya sumasakit na ang ulo nito. "Naiinggit po ako doon sa kakaunti lang na magkakapatid at mayroon pang responsableng ama," aniya.
Ang maipapayo ko lang kay Miss Lonely Woman ay dagdagan pa ang tibay ng loob at pananalig sa Diyos at ipanalangin na sanay dumating ang panahong magbago ang ama. Alagaan din niya ang kanyang katawan at mag-ipon para sa sarili dahil siya ang tumatayo ngayon (kasama ang kanyang ate) bilang breadwinner ng pamilya. Maging positive thinker at isipin na pagkatapos ng lahat ng problema o unos sa buhay ay mayroon ding bagong pag-asang darating.
PANAWAGAN: Magkaroon ng 50th Grand Alumni Homecoming ang mga graduates Batch 52, na idaraos sa E. Rodriguez Jr. High School, Mayon Ave. sa La Loma Q.C. sa February 23 at 6 p.m. Tumawag lang kay Bernie Rebulado sa telepono blg. 936-133.0