"More than anything else, mas nangingibabaw sa akin ang nerbyos dahil hari na siya, pero, excited din ako for the same reason," ani Claudine.
"Nahihiya nga ako nang malaman ko na magkakatapat ang aming mga pelikula (FPJs Batas Ng Lansangan is opening on the same date as Got 2 Believe) pero, this is something which is beyond my control. Desisyon ito ng mga producer.
"Ive always looked up to him with admiration. Minsan sa Roadrunner nakita ko siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I approached him and introduced myself."
Claudine will always remember last Valentine as her most memorable dahil kahit nag-usap na sila ni Rico na baka hindi sila makapag-celebrate dahil pareho silang may trabaho, still she had the most wonderful gift from him when he cooked her a steak and asparagus dinner sa kanyang bahay. "I called him up pero sabi nagda-dubbing siya, yun pala nasa bahay na siya at nagluluto. Siya ang namili ng lahat ng kailangan, plus a bottle of wine, flowers and a card na may letter from him," imporma ni Claudine.
Sa kabila ng kanilang closeness, wala pa ring wedding na naka-schedule para sa kanila, "Its too early. I want Rico to enjoy what he has to go through. A part of me is also saying that I have to enjoy to the fullest, more movies and shows. Marami pa akong gustong magawa, ma-experience," pagtatapos niya.
Sa kabila nito, hindi mapigilan na mag-plano ng kanyang wedding si Claudine. Gusto niya nung una ay sa Bahamas magpakasal. May kaibigan siyang dun ikinasal at feeling niya napaka-romantiko ng naging kasalan. "Pero ngayon, sa Kankun, Mexico ko na gusto. Na-inspire kasi ako ng isang pelikula ni Meg Ryan na dun nag-location. Feeling ko, ang ganda ng lugar, napaka-quiet, napaka-intimate," sabi niya.
"Actually, wala pang wedding date akong napipili, siguro dahil malayo pa naman ito. At saka, nawala na yung fear ko sa 3 year itch. Nalampasan na namin ito ni Rico kaya siguro, smooth sailing na ang aming relationship. At siguro dahilan na rin sa natuto na kaming maging patient at understanding. Kasama na siguro ito ng maturity. Wala na kaming hindi pwedeng pag-usapan. Kaya wala na rin masyadong problema because we talk a lot.
"Yung mga pinag-aawayan namin, mga petty things na lang. Gaya ng food at saka yung panonood ng TV. Ayaw talaga niya akong papanoorin ng drama. Pulos action ang pinanonood namin."
Claudine has been endorsing Particles for the past four years. This is her fifth year at kung nagtatagal man siya sa Particles, ito ay sa dahilang itinuturing na siyang ka-pamilya ng mga may-ari.
When asked kung totoong pinagseselosan niya si Carlos Agassi who is Claudines leading man in Sa Dulo Ng Walang Hanggan, sinabi ni Rico na "Wala siyang ibinibigay na dahilan para ako magselos. Pawang magagandang loob ang ipinakikita niya kay Claudine. Imbes na ma-threaten ako sa kanya, ang nakita ko sa kanya ay isang very concerned person kay Claudine, parang isang tagapag-alaga."
"First time ko itong ma-rape sa movie, kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Tinulungan naman nila ako, sinabi nilang dito ay mailalabas ko ang acting ko na ginawa ko naman," pagtatapat niya.
It seems na naka-recover nang fully si Raven sa paghihiwalay nila ni Diego Castro. Nagagawa na niyang makipagbiruan sa press tungkol sa naging relasyon nila na humantong sa hiwalayan.
Nauuso na ang mga celebrity contests. Baka naman balang araw, mawalan na ng tsansa sa game shows ang mga ordinary people. Celebrity na rin ang mga igini-guest sa Who Wants To Be A Millionaire at Game KNB?