Moonstar 88 humakot ng awards

Nakakuha ang pamosong grupong Moonstar88 ng 3 major awards sa nakaraang RX 93 OPM Yearender Countdown.

Ang grupo ay nagwagi ng Song of the Year award para sa kanilang awiting "Sa Langit". Ito ay nag-number one sa RX 93 Yearender countdown na pinangalawahan ng awiting "Torete" na siya ring pinasikat ng Moonstar88. Ang dalawang nabanggit na awitin ay kasama sa kanilang debut album na "Popcorn" na ni-release ng Harmony Music, ang OPM label ng Alpha Records. Ang Moonstar88 ang nanalo rin ng Band of the Year at New Artist of the Year awards.

Tuwang-tuwa ang grupo na kinabibilangan nina Acel (vocals), Herbert (guitar), Paolo (bass) at William (drums) sa kanilang pagkakapanalo.

Kasalukuyang tinatapos ng Moonstar88 ang kanilang sophomore album na inaasahang maire-release ngayong Marso. (Ulat ni Dearly V. Saulo)

Show comments