Tuloy sa TV ang bakbakang Juday/Jolina
February 17, 2002 | 12:00am
Tuloy na tuloy na ang pelikulang gagawin ni Billy Crawford, ang sequel ng Exorcist. Mismong ang agent niya sa US ang nag-confirmed sa akin nito. Kamakailan lang ay nakilala ko si Vicky, manager ni Billy sa Amerika na kasalukuyang nasa bansa.
Magi-start daw ng shooting si Billy sa May.
Excited na nga si Billy dahil make or break project niya ito. Sana nga magtagumpay ka Billy, alam kong kaya mo yan.
Siyanga pala, nasa SOP ngayong tanghali si Billy. Kakanta siya ron. Hanggang sa Marso pa siya rito.
Matapos magbakbakan sa takilya, mukhang sa TV naman magtatapat sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal.
Simula ngayong Linggo makakasama na si Judy Ann sa SOP.
Alam naman natin na nasa ASAP si Jolina, kaya ibig sabihin nito, tuloy ang kanilang bakbakan.
Bakit kasi ganoon ang ginawa ng ABS-CBN kay Juday? Kung tutuusin hindi dapat ginaganoon si Juday dahil alam naman nating lahat na malaki rin ang naipasok niyang pera sa Star Cinema dahil ilang pelikula rin naman ang ginawa niya noon sa kanila na kumita ng limpak-limpak sa takilya. Tapos biglang mag-iiba ang takbo ng usapan, dahil mas malaki raw ang kinita ng pelikula ni Jolina, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, kumpara sa latest movie ni Juday na May Pag-ibig Pa Kaya?
Ipagpalagay na nating hindi nga ganoon kalakas sa takilya ang Juday movie, pero bakit kailangan pa nilang ibandera sa publiko. Parang nakalimutan yata nila na alaga rin nila si Juday at may sarili itong soap opera sa kanila?
Ayan tuloy imbes na magkaisa tayong mga artista, parang nagkaroon pa ng gap sa pagitan ng kampo nilang dalawa.
Sana naman ay matutu ang ABS-CBN na pangalagaan ang kanilang mga artista nang hindi nakakasakit sa damdamin ng ibang tao.
Mukhang sunod-sunod ang hiwalayan. Pagkatapos nina Alma at Joey, balitang naghiwalay na rina sina Pia Pilapil at asawa nito. Pero may narinig din naman akong balita na nag-deny si Pia tungkol dito. Tsismis lang daw yun at hindi totoo.
Balita kong nagkakalabuan din ngayon sina Elizabeth Oropesa at Danny Ramos. Wala pa naman silang sinasabi tungkol dito, pero sana huwag namang matuloy ang kanilang paghihiwalay.
Huwag na nating gatungan ang isyu at dagdagan ng walang basehang balita.
Hindi ba mas masarap pakinggan na nagmamahalan ang mga tao kesa nag-aaway?
Imbes na tumanggap ng pelikula, minabuti pa ni Vina Morales na mag-concert na lang sa abroad. Pakiramdam ni Vina hindi sa kanya bagay yung mga offer na dumarating kaya mas okey pa sa kanyang mag-concert sa ibang bansa kesa umarte.
Matagal-tagal na rin nating hindi napapanood sa pelikula si Vina pero palagay ko tama ang kanyang desisyon. Kasi kung bold rin lang ang offer sa kanya, kumanta na lang siya.
Magi-start daw ng shooting si Billy sa May.
Excited na nga si Billy dahil make or break project niya ito. Sana nga magtagumpay ka Billy, alam kong kaya mo yan.
Siyanga pala, nasa SOP ngayong tanghali si Billy. Kakanta siya ron. Hanggang sa Marso pa siya rito.
Simula ngayong Linggo makakasama na si Judy Ann sa SOP.
Alam naman natin na nasa ASAP si Jolina, kaya ibig sabihin nito, tuloy ang kanilang bakbakan.
Bakit kasi ganoon ang ginawa ng ABS-CBN kay Juday? Kung tutuusin hindi dapat ginaganoon si Juday dahil alam naman nating lahat na malaki rin ang naipasok niyang pera sa Star Cinema dahil ilang pelikula rin naman ang ginawa niya noon sa kanila na kumita ng limpak-limpak sa takilya. Tapos biglang mag-iiba ang takbo ng usapan, dahil mas malaki raw ang kinita ng pelikula ni Jolina, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, kumpara sa latest movie ni Juday na May Pag-ibig Pa Kaya?
Ipagpalagay na nating hindi nga ganoon kalakas sa takilya ang Juday movie, pero bakit kailangan pa nilang ibandera sa publiko. Parang nakalimutan yata nila na alaga rin nila si Juday at may sarili itong soap opera sa kanila?
Ayan tuloy imbes na magkaisa tayong mga artista, parang nagkaroon pa ng gap sa pagitan ng kampo nilang dalawa.
Sana naman ay matutu ang ABS-CBN na pangalagaan ang kanilang mga artista nang hindi nakakasakit sa damdamin ng ibang tao.
Balita kong nagkakalabuan din ngayon sina Elizabeth Oropesa at Danny Ramos. Wala pa naman silang sinasabi tungkol dito, pero sana huwag namang matuloy ang kanilang paghihiwalay.
Huwag na nating gatungan ang isyu at dagdagan ng walang basehang balita.
Hindi ba mas masarap pakinggan na nagmamahalan ang mga tao kesa nag-aaway?
Matagal-tagal na rin nating hindi napapanood sa pelikula si Vina pero palagay ko tama ang kanyang desisyon. Kasi kung bold rin lang ang offer sa kanya, kumanta na lang siya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am