Nang tanungin si Julius kung hindi ba mababawasan ang kanyang kredibilidad sa pagbibigay ng balita ang maraming ulit ay ginagawa niyang pagpapatawa sa Talk TV, sinabi niyang "Hindi naman. Bakit si Mel Tiangco, nagpapatawa rin siya at kumakanta pa at sumasayaw pero credible pa rin sa kanyang pagbibigay ng balita? Ako, ganito rin ang gusto kong mangyari, ang maging versatile, pwedeng mag-news at mag-host," sabi niya.
Wala ba siyang balak na lumahok din sa pulitika?
"Wala munang politics. I would like to concentrate on my career and, later on, perhaps become a movie director and a businessman."
What about marriage, sa kanila ni Tintin Bersola?
"Hopefully, next year, baka magkaroon na ito ng katuparan," dagdag pa niya.
Samantala, nangako ang tatlo na magbibigay ng mga straightforward, honest at balanced reporting at kung maaari ay sasamahan nila ito ng mga live interviews. MUB also dishes out entertaining and informative feature stories, mga showbiz stories na hindi lamang nakakaaliw kundi enlightening din, intriguing at inspiring.
Ang balita ay ibibigay ng tatlo sa bagong ABS-CBN Communications Center, Bldg 9501, envisioned by the late Eugenio Geny Lopez, Jr., to be the heart of ABS-CBNs bridges on the air, a monument of his vision of Philippine broadcasting in the 21st century.
Baka magkaroon dito ng kaunting problema sapagkat may pelikula na nakatakdang gawin si Christopher sa Viva Films, ang Magkapatid to be topbilled by Sharon Cuneta and Judy Ann Santos. Pero, tinanggihan diumano ni Boyet ang pelikula sapagkat napaka-liit daw ng kanyang role pero, balak naman ng Viva na lakihan ang kanyang role sa oras na tanggapin niya ito.