May hawak na ebidensya si Joey
February 16, 2002 | 12:00am
Makatwiran bang sisihin natin ngayon ang kakapirasong utak ni Alma Moreno, kaya hindi niya naitawid nang malinaw ang mga puntong makapagpapalaya sa kanya sa mga bintang ng kampo ni Mayor Joey Marquez?
Sa kanilang paghihiwalay ni Mayor Tsong ay tiyak na may mga punto rin naman si Alma, kaya nga lang ay hindi abot ng kanyang isip ang gusto niyang tumbukin, at sa mundong ito ay palaging talo sa argumento ang walang kakayahang magpaliwanag.
Sinabi ni Ness na hindi siya pabayang ina at masamang babae, hindi raw siya guilty, wala raw siyang kasalanan kahit kanino.
Madaling sabihin ang mga salitang yun na may kasama pa ngang pagluha, dahil kasaysayan na ang nagsasabing lumilikha ng milagro sa labanan ang pagluha.
Pero hanggang dun lang ang kaya niyang sabihin, kaya ang mga puntong makapagpapatunay na hindi nga siya pabayang ina at masamang babae ay hindi niya naman naidepensa, parang sirang plaka lang siyang paulit-ulit na nagsasabing hindi totoo ang mga ibinibintang sa kanya.
Bago nagpainterbyu si Alma sa The Buzz ay hiningi na niya ang mga katanungang ibabato sa kanya ng kaibigan at kasamang Boy Abunda, pero ganung binigyan na nga siya ng pagkakataong makapag-ensayo kumbaga sa boksingerong haharap sa isang mahalagang laban, ay hindi pa rin naihanda ni Alma ang kanyang isip.
Paikot-ikot lang ang kanyang mga pahayag, na hindi siya masamang babae, na hindi siya pabayang ina, na wala siyang kasalanan kahit kanino.
Nandun din ang kanyang pagsusumamo na sanay huwag namang ipagkait ni Mayor Joey sina Yeoj, Winwin at VJ sa kanya, dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga anak nang higit pa sa kanyang buhay.
Isang puntong nagpataas ng dugo ng punong-lungsod ng Parañaque ay ang sinabi ni Alma na hindi niya kilala ng personal si Julian Say, ang sinasabing katatsulok ng relasyon nila ng aktor-pulitiko.
Suwabe nga, pero may diin ang pagkakasabi ni Mayor Joey na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring magsinungaling sina Alma at Julian, dahil palalabasin naman nilang sinungaling ang napakaraming taong makatetestigo na meron nga silang relasyon.
May mga hawak na ebidensya si Mayor Joey, at ang mga patotoong yun ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon na itong pawalang-bisa ang kanilang kasal dito at sa Amerika.
Hindi maglalakas ng loob si Mayor Joey na tuldukan na ang kanilang relasyon ni Alma kung wala itong basehan, lalo nat ito pa pala ang masigasig noon na muling buuin ang kanilang pamilya.
Totoong nakakaawa si Alma, lagi namang nakakaawa ang babae sa anumang hiwalayan, kahit pa ang totooy ang lalaki na ang kaawa-awa.
Pero ang katwiran ay sinasagot din ng katwiran, hindi ng luha, hindi ng mga patagilid lang na sagot, ang kailangan ay matugunan natin ang problema nang diretso at hindi paikot-ikot lang.
Sa ngayon ay si Alma ang may pinapasang krus kaysa kay Mayor Joey, nasa kanya ang bulto ng paghusga ng publiko, at siya lang ang tanging makapagpapagaan ng pinapasan niyang krus ngayon at hindi ibang tao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended