Si Regine ang original na Tondo Girl
February 16, 2002 | 12:00am
![](./main/20020216/images/show1.jpg)
Sinabi rin ni Mang Gerry na related sila sa mga popular na pamilya ng Velasquez sa Tondo. In the same way na auntie ni Regine si Tita Duran at marami silang kamag-anak na artista.
Showing na ang pelikula ni Regine kasama si Richard Gomez na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon. Nagkaroon sila ng dedication ceremony na kung saan ay ibinigay nilang donasyon sa parke na matatagpuan sa may harap ng Manila Post Office ang upuan na ginamit nila sa pelikula, na kung saan ay naganap ang istorya ng pelikula. Sinaksihan pa ni Mayor Lito Atienza at ng ilan niyang opisyales at staff ang nasabing dedication ceremonies.
Kamakalawa ng gabi nagsimula na ang two night concert ni Regine sa Araneta Coliseum kasama si Brian McKnight.
Nakatakda siyang umalis patungong Hollywood para kumanta sa Lunar Festival sa Linggo, Peb. 17. Dapat sana ay sina Chaka Khan at Britney Spears ang kakanta dito pero since it is an Asian song festival, minarapat ng komite na isang Asyano rin ang kunin para mag-peform. Kaya nakuha si Regine. Tinatanggap ni Regine na isang malaking karangalan na makapagpadala ng kinatawan ang isang bansa na tulad ng Pilipinas na minamaliit ng maraming malalaking bansa. Nagtataka lamang siya kung bakit mga dancers ang ipadadala ng ibang mga bansang Asyano gayong isang songfest ang okasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended