"Maipagmamalaki kong virgin pa rin ako hanggang ngayon. Kung mayroon mang hindi maniwala, wala akong magagawa pero kilala ko ang sarili ko at totoo ang sinasabi ko. Buong-buo pa rin ang pagkababae ko," sey ni Monina.
Maituturing pa ring asset ng dalaga ang pagiging virgin niya. Kung pagmamasdan mo nga ay maniniwala ka sa kanyang mga sinasabi dahil maging kilos, galaw at itsura ay batang-bata. Kumbaga sa isang prutas, bubot na bubot pa ang probinsiyanang taga-Cebu.
Sa pelikulang Hinog Sa Pilit, Sobra Sa Tamis ay naranasan niyang makipaglaplapan ng todohan sa kanyang leading man na si Paolo Rivero. Naranasan niya ang pait at sarap habang kaulayaw ang binata sa kanilang mainit na eksena.
Dito namulat ang dalaga at ikinabigla niya ito dahil first time niyang maranasan. Nakaranas daw siya ng halik pero ito ay dampi lang. Masuwerte kung tutuusin si Paolo dahil siya ang nakauna kay Monina.
Palabas na ang pelikula sa darating na Pebrero 20. Kasama rin sa pelikula sina Halina Perez, Allen Dizon at Paolo Rivero. Mula ito sa Leo Films sa direksyon ni Rico Tariman at sa panulat ni Dennis Evangelista.