Sa may bandang itaas na bahagi ng poste na nasa likod ng bench ay ang recogniton plaque na kung saan ay nagpapasalamat ang Viva Films sa pamahalaang Lungsod ng Maynila sa suporta na ibinigay nito sa Ikaw Lamang Hanggang Ngayon na ang kabuuan ay kinunan sa Maynila.
Kasama nina Richard at Regine sa dedication ceremonies sina Boss Vic del Rosario, Vincent del Rosario, ilang staff ng Viva, Mayor Lito Atienza, Councilor Miles Roces, ang City Administrator na si Bonjay Isip, Director Yam Laranas at marami pang iba.
Bukod sa unveiling ng upuan at recognition plaque, nagpalipad din ng maraming mga lobo na sinundan ng napaka-habang kuhanan ng larawan. Game ang dalawang artista na makipag-pose sa napakaraming empleyado na iniwan sumandali ang kanilang mga trabaho.
Sinabi ni Mayor Atienza na sana raw ay marami pang kasaysayan ng pag-ibig ang maganap sa kanyang pinagagandang parke na pwede rin daw pagpalipasan ng oras kapag may problema ka. At sana naman ay huwag tularan ng mga pupunta ng park ang ginawang pagsusulat nina Richard at Regine sa bench sa pelikula sapagkat isa itong uri ng vandalism at hindi makakatulong sa ginagawang beautification ng Maynila.
Ang susunod na workshop ng SGP na nasa umbrella ng FAP ay ang FPJ Fellowship workshop para sa alternative writing para sa radyo, short story, play romance, novel, docu, film review/criticism, production scripts para sa beauty contest, game show at awards night.
Bukas ang workshop para sa mga SGP members at iba pang interested parties. Sponsor ng workshop ang long-reigning king of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. na bumabalik sa pelikula pagkaraan ng dalawang taong pamamahinga sa pelikula ng Maverick Films na pinamagatang Batas ng Lansangan. Kasama niya sa pelikula sina Dina Bonnevie, Kaye Abad, Roi Vinzon at marami pang iba.