"Hindi sa kinukunsinti ko siya sa gusto niyang gawin pero, palagay ko, kaya niyang pangatawanan ang gusto niya. Talagang ganyan yata yung may halo ang dugo, palaban. Lumalabas kasi ang pagka-Italyana niya sa bagay na ito, na maaga pa, bastat kaya ay nagiging independent na. Hindi naman komo magsasarili na siya ay magwawala na siya.
"Alam mo, ako ang unang apektado kapag may lumalabas na negative tungkol sa kapatid ko. Alam ko naman kasi na hindi siya malandi at kaya niyang alagaan ang sarili niya," pagtatanggol ni Assunta.
Sinabi ni Assunta na nakilala na niya ang sinasabing bagong boyfriend ng kapatid niya, si Polo Ravales. Wala naman siyang masabi tungkol dito. "May tiwala naman ako sa judgement ng kapatid ko," dagdag pa niya.
Ang kaibhan ng serbisyo ng Jancen Cosmetics Surgery ay binibigyan muna nila ang kanilang mga pasyente ng mabilis na medical analysis gaya ng pagkuha ng blood pressure. "Then we advice them about our diagnosis and give them the most suitable massage," ani Dr. Cenica.
Dubbed as the newest celebrity haven, isa itong one stop shop na nagbibigay ng serbisyo sa nose, face & bust lifting, liposuction, scar revision, skin whitening, skin peeling, acne treatment, eye bag removal at ang specialty nilang non-surgical treatment ng varicose veins. Si Dr. Jancen din ang may gawa ng mga popular na skin, hair and body care products gaya ng papaya skin whitening at slimming soap.
Call lang kayo sa Medical Spa, sa 5211444 14 5266297.