Mr. C, hindi muna aalis

Kay Maestro Ryan Cayabyab din pala nag-start si Regine Velasquez. Yes folks, si Mr. C ang unang nag-train sa boses ni Regine after she won sa Bagong Kampeon noong 1984. Kasabay ni Regine sa unang batch of workshoppers ni Mr. C sina Janno Gibbs, Bimbo Cerrudo and Carlo Orosa.

Bukod sa pagti-train sa mga begginer, siya rin ang nag-introduce ng Smokey Mountain kung saan nagsimula sina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Anna Fegi among others na ngayon ay successful na rin sa kanilang singing career.

Ngayon, hindi lang isang magaling na voice trainor kilala si Mr. C, kundi isang musician na ang boses ay nagi-echo ng sentiments ng iba’t-ibang generation.

Year 1981 nang una siyang mag-release ng album, One kung saan ang isa sa mga kantang kasama na "Da Coconut Nut" ay naging hit maging sa ibang bansa.

Nagtuturo siya no’n sa UP after he graduated - Bachelor degree in Music nang mag-decide siyang mag-produce ng sariling album. Kinuha niya sa bangko lahat ng pera niya para maging capital, P44,000 to be exact na during that time ay malaking halaga na. "Wala ako no’ng pakialam, para bang hindi ko inisip ang commercial value. Saka wala naman akong babayaran - ako na kasi ang arranger, singer, composer lahat na, so konti lang ang gagastusin ko." At nang ilapit nga niya sa Gem Records, na-release ang album.

Hindi niya ini-expect na maghi-hit ang "Da Coconut Nut" na hanggang ngayon ay ginagamit pa sa stage plays sa ibang bansa. Kaya nga minsan, nagugulat na lang siya na may dumarating sa kanyang check - royalty fee. Sa ibang bansa kasi, everytime na gagamitin nila ang kanta ng kahit sinong artist, may naka-ready na silang royalty fee. Maging ang ibang song niya ay nag-hit nang hindi inaasahan.

Hindi na niya kailangang magsalita para sabihin kung anong mga nai-contribute niya sa local music scene. Sino nga ba ang makakalimot sa "Limang Dipa Tao," "Kahit Ika’y Panaginip Lang," "Nais Ko," "Kailan," "Mama" at marami pang iba.

Kaya naman ilang beses na siyang binigyan ng recognition bilang pagpapahalaga at pagkilala sa kanyang kakaibang talino sa musika - three international Grand Prix awards, AWIT Lifetime Achievement Award (1996), Antonio C. Barreiro Achievement Award, a citation from Alexander S. Onassis Public Benefit Foundation and honors in the recent Onassis International Corporation.

Bukod sa mga nabanggit na recognition, siya rin ang executive and artistic director for the Performing Arts ng world class orchestra and chorale ng San Miguel Foundation. At ngayon nga, Mr. C is busy promoting his latest album, One More under BMG Records.

Ang kanyang first two albums, One and One Christmas ay acapella rin. "Doing an all acapella album for myself is sort of a panata. I know I do not possess the vocal quality of good singers, but then again, there’s more to singing than possessing a good voice. Hopefully, I could inspire people to be creative, innovative and have fun by focusing on their strenghts and being no one else but their good self," he said.

At any rate, last December nang i-announce niya ang kanyang once-a-decade album na ngayon ay available na sa lahat ng record bars.

There was time na napabalitang magma-migrate na sa America si Mr. C, pero for now, ayaw niya munang magsalita ng tapos bagama’t green card holder siya.
*****
Maraming touching experiences sina Paolo Bediones and Miriam Quiambao sa pagsi-celebrate ng third anniversary ng kanilang programa, Extra Extra.

Isa sa mga nakuwento ni Miriam ang tungkol kay Bubbles (remember the Ativan Gang) na ginawan ng pelikula starring Amy Austria? Si Miriam ang nakakuha ng exclusive interview ni Bubbles nang lumabas ito sa correctional after eight years. "Binigay sa akin ang telephone number niya ng isang executive namin sa GMA 7, kung puwede ko raw tawagan dahil lalabas na ng correctional at kailangan daw naming tulungan to find a job. Gusto raw ni Bubbles, magandang reporter ang ipadala.So tinawagan ko siya. Nag-usap kami and we agreed sa isang exclusive interview.

"Nang may gusto sa kanyang mag-interview, infairness to her, sinabi niya sa akin. Binigyan ko siya ng freedom kasi crush niya raw ‘yung naka-assign na mag-interview from another station. Pero pinagbigyan niya ako sa isang exclusive interview. In fact, hindi nga siya lumabas sa original schedule dahil marami ngang gustong kausapin siya, so medyo na-delay para nga sa interview namin.

"And before siya lumabas, dumating siya sa point na gusto na niyang mag-suicide. Kung anu-anong tini-text niya sa akin, galit siya sa Diyos, sa lahat at ano raw ang gagawin niya paglabas ng correctional? So ang ginawa ko, nag-send ako ng mga encouraging words. Na-inspire siya. Malaking accomplishment for me ‘yung nangyari. Para bang nabigyan ko ng hope ‘yung isang taong desperate na sa buhay na gustong magpakamatay."

Marami na ring natutuhan si Miriam sa pagiging host niya ng Extra Extra. There was a time na nagpanggap siyang nagbebenta ng Sampaguita sa Quiapo. Wala siyang ka-make up-make up at naka-cap siya kaya hindi nakilala ng mga tao. "Pinaalis pa nga ako no’ng isang vendor dahil territory niya raw ‘yun."

Minsan naman ay nag-pretend siyang conductress sa bus as in sumama siya sa biyahe at naningil sa mga pasahero.

Maging si Paolo ay maraming karanasan sa tatlong taon niya sa programa. Andiyan na ‘yung maging basurero siya para lang patunayan sa publiko na kahit ganoong trabaho ay dapat pinahahalagahan ng iba nating kababayan.

Originally si Karen Davila ang partner ni Paolo at nang lumipat lang ito sa ABS-CBN, saka lang nag-take over si Miriam.

Maraming offer si Miriam prior to this program, pero mas pinili niya ang Extra Extra.

Anyway, bukod sa magagandang karanasan nila, marami ring natupad na pangarap ng karaniwang tao sa programa. At sa kanila ngang pagsi-celebrate ng 3rd anniversary, marami pa silang pasasayahin.

Naniniwala rin sina Paolo at Miriam sa ganitong paraan, matutulungan nila ang mga karaniwang tao tulad ng basurero na hindi lang sila basurero, basurero sila, isang legal na trabaho para mabuhay. Na walang trabahong maliit, pantay-pantay ang lahat.

In any case, kahit na matagal na silang magkasama sa programa, hindi sila na-link. Pero walang nagtanong during the presscon kung anong status ng relationship niya kay Hans Montenegro at si Paolo naman kay Maxine.

Ang Extra Extra ay napapanood from Monday to Friday, 5:30 p.m over GMA 7.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - psnbabytalk@hotmail.com / sva@i-next.net

Show comments