^

PSN Showbiz

GMA, 'Nanay ng movie industry'

- Veronica R. Samio -
Hindi na itinanggi ni Assunta de Rossi ang balitang nagkakamabutihan na raw sila ng kanyang kapareha sa pelikulang Hubog na si Jay Manalo. Sapat nang sabihin niya na "Huwag naman" nang tanungin ko siya kung totoo na sila na nga ngayon ng mahusay na aktor para bigyan ko ng kongklusyon na hanggang sa tsisimis na lamang pwedeng may mangyaring relasyon sa kanilang dalawa.

Napakaganda ni Assunta nung gabing tanggapin niya ang cash prize bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Hindi siya nangiming umupo sa mesa na kinauupuan din ni Caloocan Mayor Rey Malonzo. Matatandaang nagkaroon din ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa. Nakasama nila sa mesa sina Atty. Esperidion Laxa, Vic del Rosario, Marikina Mayor Lourdes Bayani, Kuya German Moreno. Sa mesa ring ito umupo si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na siyang naging panauhing pandangal ng okasyon.

Naging masaya ang naturang pagtitipon na kung saan ay pinagkalooban ng kanilang cash prizes ang mga major winners sa MMFF. Naging hosts sina Marissa Sanchez at Leonard Obal na kapwa pinahanga ang mga bisita hindi lamang sa kagalingan nilang kumanta kundi sa kagalingan din nilang magpatawa. Instant hit si Marissa sa kanyang "climax" gag pero, hindi rin nagpahuli si Leonard sa kanyang impersonation kina Atang dela Rama, Armida Siguion Reyna, Kuh Ledesma at Pavarotti. Nagbigay naman ng kanilang song numbers sina Kyla at Yam Ledesma.

Bagaman at hindi nagbigay ng speech ang Pangulo, ipinaalam nina Atty. Laxa at Mayor Malonzo na nagawang maipababa ng Pangulo ang napakabigat na 30% na amusement tax na sinisingil sa mga artista sa kasalukuyan.

Nagbigay din siya ng P50M subsidy sa industriya ng pelikula na naging dahilan para tawagin nila siyang "Bagong Nanay Ng Movie Industry"?

Sa naging tagumpay ng nakaraang MMFF, balak ng MMDA at ng MMFF committee na palaganapin ang filmfest sa buong bansa. Tatawagin itong National Film Festival. As of this writing, nagbigay na ng kanilang pagsang-ayon ang mga mayors ng Cebu at Iloilo.

Ayon kay MMDA Chairman Benjamin Abalos, dahilan sa kontrobersiya na naganap sa MMFF, naging mas matagumpay pa ito at nagtala ng pinaka-malakas na kita at P218M.

Kapansin-pansin ang kawalan ng malalaking Artista nung gabi ng appreciation. Narun si Assunta pero, wala ang Best Actor na si Cesar Montano. Narinig ko na medyo disappointed yata ang Pangulo dahil ipinangako yata sa kanya ng komite na maraming dadalong malalaking artista sa nasabing appreciation.

ARMIDA SIGUION REYNA

ASSUNTA

BAGONG NANAY NG MOVIE INDUSTRY

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

CESAR MONTANO

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

ESPERIDION LAXA

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with