Bong, dinunggol muli ang aking puso
February 8, 2002 | 12:00am
Totoong pinakulo niya ang aming dugo nang tumalikod siya sa kanyang katapatan sa pagkakaibigan nila ni Mayor Jinggoy Estrada nung kasagsagan ng People Power 2.
Matatagalan pa nga bago mabura sa isip ng publiko ang ikinagimbal naming katawagan sa kanya bilang Balimbing, hunyango at balimbing, dahil sa ginawa niyang pag-akyat sa entablado ng EDSA 2 habang papalubog naman ang bangkang sinasakyan ng pamilya Estrada.
Pero ang showbiz ay isang kuwadradong kahon lang na napakaliit na kayo-kayo rin ang nagkikita sa araw-araw, gusto mo mang umiwas ay makakasalubong mo pa rin sa kabila ang taong ayaw mong makita, at wala nang mas masarap pa kaysa sa paglalakad na lahat ng nakakasalubong mo ay tinitingnan mo nang diretso sa mga mata.
Nagbati na kami ni Bong Revilla nung presscon ng pelikula nila ni Rufa Mae Quinto, ang nirerespeto naming kaibigang si Manay Ethel Ramos ang disenyo ng senaryo, at pagkatapos ng pagkakasundong yun ay tapos na para sa amin ang lahat.
Naisusulat na namin si Bong nang maluwag ang aming kalooban at tapos na ang yugto ng pulitika, siya bilang aktor na ang pinagkakaabalahan namin at paminsan-minsang nang-iintriga sa kanila ni Rufa Mae.
Pero nung Lunes nang gabi ay muling dinunggol ni Bong Revilla ang aming puso, nangyari yun sa Kilimanjaro Bar ni Judy Ann Santos, nandun na sila ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. nang dumating kami nina Mommy Amy Pascual at Mommy Carol.
Batian lang kami nung una sa harap ni Tito Ronnie, abot-abot nga ang pasasalamat ng primera klaseng action star, dahil sa wakas daw ay pareho na naming nilimot ni Bong ang nakaraan.
Tumayo pa si Bong para bigyan kami ng silya, tinatakan namin ang akto niya ng pagiging maginoo, pero kailangan na rin naming umalis dahil ililibre kami ni Juday ng pagpapa-body scrub nina Mommy Amy at Mommy Carol, na may sarili ring istorya.
Kinagabihan, nung bumalik uli kami sa Kilimanjaro, ay muli kaming nilapitan ni Bong Revilla.
Dama mo naman ang yakap kung sinsero o hindi, alam mo rin kung sinsero ang salita o kung sa bibig lang nagmumula, madaling maramdaman at husgahan ang ganun.
Niyakap kami nang mahigpit ni Bong, at ang yakap ay may kakambal pang linya ng pasasalamat, "Salamat uli sa pagtanggap mo sa akin bilang kaibigan."
Ayaw namin ng mga ganung senaryo, dahil bago pa makapagbitiw ng salita ang aming bibig ay nagsusumbong na ang aming puso sa mga mata.
Biniro na lang namin si Bong para disimulado ang pangingilid ng aming luha, birong-totoo, na pareho naming hinalakhakan.
"Ang bilis-bilis mong bumawi at magpatawad," minsan ay sinabi sa amin ng anak-anakang Ogie Diaz.
Totoo yun, basta nagpakumbaba na sa amin ang tao at humingi ng dispensa, ang nalantang halaman ay kaya uli naming pasariwain at muling pamulaklakin.
Ang pagtatago kasi ng galit sa dibdib ay parang paghawak sa sindidong uling, bago pa masaktan ang kamay mo, ay unang-una nang natutupok at nasusunog ang mga palad mo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended