"Juday was a very, very good friend whose friendship I cherished, whose attention I appreciated. I can not confirm nor deny if I courted her because its a matter of perception," aniya.
Rico and Claudine Barretto have been going on for four years now. Sa March 4 ay anniversary na nila. Baka makasabay dito ang pagpapalabas ng kanilang pelikula ng Star Cinema na Got 2 Believe!.
Sa kabila ng medyo may katagalan na nilang relasyon, sinabi ni Rico na hindi pa rin sila magpapakasal bagaman at napag-uusapan na nila ito.
Nag-aaway rin sila na katulad ng ibang may relasyon. "Natural lang ito. We dont talk for a couple of days pero, if we need to talk, nag-uusap kami pero, very cool kami sa isat isa. Before, its Claudine who often breaks the ice pero, lately, gumagawa na rin ako ng paraan."
Inamin niyang madalas maging dahilan ng pag-aaway nila ang kanyang stubborness. "Men have an ego to protect, kahit pa anong sabihin ng girlfriend o asawa.
"Close na rin kami sa pami-pamilya namin. My mom feels that Claudine is the right girl for me. Claudine is also close to my sister who is in New York. Minsan si Claudine pa ang nagsasabi sa akin to call her because nag-uusap pala sila.
"Close na rin ako with the Barrettos. Even yung mga in- laws are very good to me," pagtatapat ni Rico.
Walang ugali si Claudine na hindi gusto ni Rico. "Kung mayroon man na wala sa ideal girl list ko, hindi na importante dahil I love her.
"Last year, I cooked dinner for her on Valentines Day. She came over my place and I made her a tenderloin steak dinner with mashed potatoes and asparagus. This Valentine, baka hindi kami lumabas because we will be both working pero, kung sino ang unang matapos will visit the other."
Taking a respite from their drama stints on the boob tube, Rico and Claudine are taking a light step by doing Got 2 Believe!, a romantic treat by director Olive M. Lamasan in a screenplay collaboration with Mia Consio.
Rico plays a pesky photog to avant garde wedding planner Claudine. He frequently takes her picture during weddings with her embarrassing facial expressions, publishing them on prominent newspapers, giving her a reputation as an "artist", men wont date her. She hates him and vise versa. Pero kailangan nilang magtrabaho nang magkasama. Ayaw ni Claudine. Para pumayag siya, hiniling niya na ihanap siya ni Rico ng lalaking pwedeng pakasalan. Dito na nagsimula ang maraming blind dates na humantong sa isang Harvard grad na talagang sa tingin ay ideal husband material. Pero, siya ba ang right man for her? Paano kung ang true love ay nariyan lamang sa tabi-tabi at naghihintay na madiscover siya?
Bagaman at marami ang nagsasabi na ayaw nilang sumali sa show dahil ayaw nilang makatanggap ng panghihiya ni Edu, still TWL ang isa sa pinaka-aabangang game show sa TV dahil alam nilang umaarte lamang dito si Edu.
May bagong telenovela at anime series na sisimulan ang Viva -TV sa IBC 13. Ito ang Natalia na mapapanood sa ika-11:00 n.g. tuwing Lunes makatapos ang TWL. Tungkol sa isang teenage girl, ang buhay niya sa highschool, first love, girl gang rivalry sa piling ng isang salbaheng madrasta.
Ang Crayon Shin Chan and Cyborg Kurochan ay tungkol kay Shin Chan na isang bata sa kindergarten na pinaghalong Dennis the Menace at Freddy Kruger at ang ultimate supercat na si Cyborg Kurochan. Trabaho niyang iligtas ang mundo sa kasamaan. Mga sikat na artista ang magbibigay ng boses sa kanila.