^

PSN Showbiz

Regine hosts 'Star For A Night'

- Veronica R. Samio -
Panahon na talaga para mag-host ng isang TV show si Regine Velasquez. Nagkataon namang bagay sa kanya ang pinaka-bagong show ng Viva-TV franchised from BBC London na sa kanya ipinagkatiwala ang hosting. Isa itong amateur singing contest na kakaiba sa mga napanood na natin sapagkat dito kapag pumasa sa audition ang isang kalahok ay bibigyan muna siya ng isang kumpletong make-over bago siya isalang sa paligsahan kasama ang tatlo pang contestants. Sa make-over, ibig sabihin ay sasanayin muna siya at ie-enhance ang kanyang talent (voice, dancing, etc) at personality. Pagmumukhain siyang isang tunay na artista na bagay for making "Star For A Night". Bibigyan pa siya ng back-up vocals o dancers kung kinakailangan. Talagang pagsalang niya ay hindi na siya mukhang amateur.

Bagaman at may naunang offer ang ABS-CBN kay Regine para mag-host din ng show, tumanggi ito dahilan sa isa rin itong variety show at okay na siya sa SOP. Ang concept ng Star For A Night ay malapit sa kanyang puso sapagkat sa ganitong pakontes siya nagsimula (Bagong Kampeon) nung 1984.

"I’m not doing this for the money," pauna ni Regine. "I’m already happy with SOP. Dito kahit one month akong mawala ay okay lang sa kanila. Willing silang hintayin ako.

"I’m doing Star For A Night dahil gusto kong mabigyan ng opportunity sa show ang maraming talented people. I’ll be doing a production number with all of the contestants every week," dagdag pa niya.

Isa pang pagkakaiba ng bagong show sa ibang amateur singing contests ay hindi agad sasabihin sa mga applicants na pumasa sila. Sosorpresahin sila ng production by going to their homes o their places of work para sabihin sa kanila na nakapasa sila. A cool P1M ang mapapanalunan sa grand finals.
* * *
Apat na pelikula na ni-restore ng Mowelfund Film Institute at National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ay mapapanood sa ika-9 na Pelikula at Lipunan Film Festival na gaganapin sa Pebrero 13-19 sa SM Megamall.

Sina Dolphy at Lolita Rodriguez ang gumanap ng role ng bakla at tomboy sa Jack & Jill. Isang sugal na pelikula na dinirihe ni Mar S. Torres na naging isang boxoffice hit at nagpatibay sa uncontested franchise ni Dolphy sa mga gay roles.

Si Aura Aurea naman ang isa sa mga unang sex symbol na nailunsad via Seksing-Seksi (Mapanghalina) sa direksyon ni Luis Nolasco. Kay Mar Torres din ang M.N. (Marissa Navarro), isang melodrama na kinuha sa Pilipino Komiks. Si Carmen Rosales ang gumanap ng title role.

Isang co-prod naman ang Sanda Wong na dinirihe ni Gerardo de Leon at nagtatampok sa ilang banyagang artista. Sina Jose Padilla Jr. at Lilia Dizon ang namumuno sa Filipino cast.

Ang restoration ng mga nasabing movies ay isang patuloy na labor of love ng National Cinema Program na itinataguyod ng Society of Film Archivists at NCCA.

Ang Pelikula at Lipunan ay siya pa ring pinaka-mapagkakatiwalaang venue for exhibiting classics na may layuning maipakita ang kayamanan ng pelikula bilang isang source ng national consciousness and recovery.

Sa mga interesado na malaman ang schedule, ticket sales at iba pang inquiries, tumawag sa Mowelfund, 7271915-61.

AURA AUREA

BAGONG KAMPEON

CARMEN ROSALES

CULTURE AND THE ARTS

DOLPHY

ISA

ISANG

SIYA

STAR FOR A NIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with