Makipag-Valentine jamming kasama si Stella Ruiz

Mayroong libreng Valentine show ang sultry na actress at performer na si Stella Ruiz sa darating na February 14 sa Ultra Bykes Café na matatagpuan sa Pasong Tamo, Makati City. Simply Stella ang title ng concert at gaya ng kanyang successful na bar tour na The Stella Thing Series nung nakaraang 2001 ang show na ito ay iso-showcase ang impressive talent ni Stella bilang isang concert performer.

Ang Sound Image Recording Studio and Production ang prodyuser ng Simply Stella at tiyak na maiibigan ng lahat ang show sapagkat io-offer ang pinakamagandang acoustic music na inareglo ng musical director na si Jon-Jon Castañeda.

Magkakaroon ng second run ang Simply Stella sa parehong venue, sa darating na February 16 at si Jay Cayuca ang kanyang special guest.

Show comments