"Sikat na siya, may pangalan na, pero wala siyang star complex. Napaka-simple niyang tao. Walang masyadong hinihingi. Ganun dapat ang mga artista," ani Richard sa isang recent interview.
Sinabi ni Goma na wala pa siyang napapanood ni isa mang pelikula ng tinaguriang Asias Songbird pero aware siya sa lakas nito sa boxoffice. He has always been awed by her beautiful and powerful singing voice. Regine on the other hand, has always admired his acting gift and good looks. "Ang feeling ko kasing-ganda ako ni Lucy Torres," referring to Gomas lovely wife.
Sa pelikula isang golf instructor si Richard. Isa namang ordinaryong babae si Regine na nagtatrabaho sa Post Office. Nagkakilala sila at nagkaibigan. Kinunan ang movie ni direktor Yam Laranas sa mga magaganda at historic landmarks ng Maynila. "Noon ko lamang na-realize na napaka-ganda pala ng Maynila," amin ni Richard during the presscon of the movie sa opisina ng Viva.
Sa pelikula, ang presence at influence ni Richard ay naging dahilan para ang isang napaka-ordinaryong babae ay maging isang masayahin at magandang babae, from an ugly duckling into a beautiful swan.
Mararamdaman din ng mga manonood ang napaka-lakas na chemistry at electricity ng dalawang artista na nagtambal sa unang pagkakataon.
Sina Jennifer, Therese at Patricia ay graduates ng Loyola Marymount University (California), si Lovely ay nagtapos sa Maryknoll at si Mayette ay graduate ng UST. Ang lima ay dati nang naglilingkod sa Ultra organization. Isang bagong myembro, si Trina Inigo ay Deputy Head for Operations.
Ang UBC ay unang inisip bilang isang coffee shop para sa mga scooter and motorcycle enthusiasts. Ngayon ay isa na itong restaurant, bar and coffee shop na nagsisilbi ng breakfast, lunch, dinner and merienda at nagpapalabas ng mga special shows regularly. Mayroon din itong outside bar-kiosk na nagsisilbi ng coffee, food and drinks para sa mga drive-thru customers at dun sa mga gusto lamang manatili sa labas ng cafe. Matatagpuan ito sa corner ng Sabio St. at Chino Roces Ave. Bukas ito, Lunes hanggang Sabado mula 11n.u. hanggang 2:30 n. u.
Nag-cut ng ribbon sina Lorna Tolentino at MMDA Chairman Benjamin Abalos. Nagperform sa labas ng cafe sa saliw ng isang live band sina Stella Ruiz, Jo Awayan, Miriam Pantig at marami pang iba. Nakita rin sa naturang affair sina Angel Aquino, Carol Dauden at marami pang iba.