"Payag ako, bakit hindi," tugon ni Jolina when told about this, "Pero, siguro ire-redesign ko ang kanyang costume para bumagay sa panahong ito ng millennium. At hindi ako papayag mag-two piece, hindi bagay sa akin. Wala naman akong katawan tulad nina Ate Vi at AJ. Siguro kung ako nga ang gaganap ng role, baka kundi ako naka-tights ay naka-cycling shorts ako," dagdag pa ng masayang star ng Kung Ikaw Ay Isang Panaginip na kasalukuyang tumatabo sa mga sinehan ngayon.
By the time na lumabas ito, nakapag-guest na si Jolina sa annual football game sa Maui, Hawaiis Island War Memorial Stadium kahapon. Siya ang first Filipino to ever grace the event na kinober ng ESPN Cable TV at napanood sa buong USA. Nagkaroon din siya ng concert sa nasabing lugar makatapos ang game.
From Hawaii, go si Jolens sa California to launch her Jolinas Fashion Gallery products at Musikang Pilipino sa West Covina sa Peb. 5 at magkakaroon din siya ng solo concert sa Alex theater sa Glendale sa Peb. 8.
May ginaganap na Jolina Day sa Hawaii tuwing ika-18 ng Nobyembre.
"Dalawa sila pero isa lamang ang nakunan ko dahil lubhang napaka-bilis na nawala nung isa samantalang yung ikalawa ay tila hindi nagmadaling mawala at para talagang hinintay na makunan ko," anang seksing aktor na gumaganap ng mahalagang papel sa initial movie ng Tri Vision, ang Kaulayaw topbilled by Barbara Milano at nakatakda nang mapanood ngayong Peb. 6.
Ang UFO na ayon kay Roy Alvarez na nagsu-shooting rin sa kabilang ibayo, ng nasabi ring lugar, ay siya ring nakita niya at ng marami pang iba. Ito, ay ipinakita sa programang Startalk kahapon.