Ang P1 million prize na supposed-to-be ang kalahati ay ido-donate sa charity, ay buong hinati sa tatlo ni Sharon, 1/3 for the San Lorenzo Ruiz Formation and Learning Center, 1/3 sa Chosen Children Foundation at 1/3 kay Love Cruz, ang maysakit na panganay na anak ng colleague naming si Kuya Mar d Guzman. Close at mahal kay Sharon ang mga anak ni Kuya Mar, kaya nang malaman niyang maysakit si Love, isa talaga siya sa inisip ni Sharon na maging recipient ng 1/3 ng panalo niya.
Maraming na-touch sa gesture ni Sharon lalo na nang yumakap nang mahigpit sa kanya si Love at ilan sa mga lady scribes ay napaiyak din.
Buong pamilya pala ni Sharon ay nanonood ng said game show at minsan nga raw, unahan silang sumagot nina Sen. Kiko at KC sa mga questions. Kaya nang imbitahan siya para maupo sa hot seat, tinanggap niya. Hindi raw niya alam na ganoon pala talaga kalakas ng pressure sa mga contestants. But she went there to play and have fun at pangako niya sa sarili niya, lahat ng makukuha niyang prize ay ido-donate niya sa favorite charities niya.
Sa February 10, muling mapapanood ang WW2BAM at 8:00 p.m. sa IBC-13 na ang mga guests ay special celebrity couples. Sa opening episode, magiging guests sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado; Johnny Revilla and Janet Basco; Emil Buencamino and Giselle Sanchez; Ricardo Cepeda and Snooky Serna; Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza.
Babalik agad si Richard dahil sa promo ng movie nila ni Regine Velasquez, ang Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon na sa pagkukuwento niya sa mga kaharap na press, may kilig talaga ang movie. Willing pala silang mag-promote ni Regine sa kani-kanilang show every Sunday, ang ASAP at SOP pero hindi madaling gawin. Kung pwede naman, hindi ma-resolve kung alin sa dalawang show ang dapat na mauna silang mag-appear.