Pabayaan na natin si Alma!

Sana naman ay pabayaan na natin ang mag-asawang Mayor Joey Marquez at Alma Moreno na ma-solve ang kanilang problema at nang hindi naman masayang ang isa pang showbiz marriage.

Marami kasi ang lumalabas na haka-haka lamang na lalo lamang nagpapa-grabe sa sitwasyon.

Tuloy, sa halip na makatulong tayo na mabuo muli ang kanilang samahan ay laloa lamang natin silang pinaglalayo sa mga sinasabi natin.

Whether it’s true or not, na hiwalay na nga sila, maghihiwalay o may third party na involve, let’s leave them to solve their problems at sana nga malusutan nila ang pagsubok na ito sa kanilang marriage.
* * *
Nalaman na rin pala ni Vandolph ang kinahantungan ng kanyang girlfriend na si Ishi Raquiza. In fact, pinuntahan niya ang ina nito na katulad niya ay nagdadalamhati rin at kung ano man ang mga damdaming namamagitan sa kanila nun ay wala na ngayon. Parang nabunutan sila ng tinik. Nagyakap na silang dalawa at maluwag sa dibdib na tinanggap kung ano man ang nangyari.
* * *
Masaya ang naging selebrasyon ng ika-5th anniversary ng Master Showman Presents sa GMA-7 kagabi. Nagpapasalamat ako sa suporta ng istasyon na sa kabila ng napakahirap nitong kunan ng komersyal dahil sa oras ng pagpapalabas nito ay patuloy pa rin ang kanilang suporta kaya nga umabot kami ng ganito katagal.

Salamat din sa pagpayag nila na magamit namin ang mas malaking studio 3 kaya malayang nakakilos ang mga bisita at hindi nagsiksikan na tulad nang nangyayari sa istudyo na karaniwan naming ginagamit.

Salamat sa mga sekretarya ko na nagtrabaho ng ekstra para makagawa ng isang ispesyal na palabas, gayundin si John Nite.
* * *
Sana nga ay muling ma-establish ng pelikulang Hesus Rebolusyonaryo ang career ni Mark Anthony Fernandez. Marami ang nagsasabi na napakahusay ng performance niya rito na hindi ko pinagtatakhan dahil alam ko ang kalibre niya bilang aktor. Sana rin ay hindi siya maapektuhan ng kasalukuyang pangyayari sa kanyang mom at sa stepfather niyang si Joey.

Hesus
also stars Donita Rose, isang produkto ko sa That’s... na sa kabila ng kanyang kasikatang tinatamasa ngayon ay parang hindi nagbago ni bahagya man. Maganda pa rin siyang makitungo sa lahat at kapag kaya rin niya ay talagang wala itong imbitasyon na pinalalampas. Talagang ipinakikita niya kung gaano niya nami-miss ang Pilipinas at maging ang mga kababayan niya everytime na nasa ibang bansa siya.

Show comments