Kasal na lang ang kulang

Super-sweet ang magkasintahang Rica Peralejo at Bernard Palanca nang i-pictorial namin for S Entertainment Magazine on location sa Super Ferry 12 sa North Harbor last January 29. Panay ang kantiyaw namin sa dalawa na kasal na lang ang kulang sa kanila.

‘‘For now, pareho naming priority ang aming respective careers. Malayo pa ang wedding. What’s important, nagkakasundo kami at masaya kami sa isa’t isa,’’ pahayag ni Rica na agad namang sinusugan ni Bernard.

Sa totoo lang, maluluma ang langgam sa ka-sweet-an ng dalawa.

‘‘Honey" ang tawagan ng magkasintahan at kitang-kita rin namin ang concern nila para sa isa’t isa.

Kung umaariba ang career ni Rica ngayon dahil sa kanyang pagpapalit ng image, hindi rin naman nagpapahuli si Bernard dahil aktibo siya sa pagiging part ng Hunks na kinabibilangan din nina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Carlos Agassi at Jericho Rosales. Katunayan, magiging super-busy sila this year sa pagkakaroon ng concerts hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Come February 14, magkakaroon ang grupo ng kanilang first major concert sa Folk Arts Threater.
*****
Kumbaga sa pelikula, box-office hit ang ginawang book launching ng aming kaibigan at entertainment editor ng Philippine Star na si Ricky Lo na ginanap sa Cabalen Restaurant last Tuesday afternoon. Ito bale ang second book launching ni Ricky na aming dinaluhan. Nauna na rito ang isa pa niyang matagumpay na libro which was launched in 1995, ang "Star-Studded".

After "Star-Studded" in 1995 comes "Conversations with Ricky Lo" na siya ring titulo ng kanyang regular column sa Philippine Star every Sunday. Pinagsama-sama bale sa isang libro ang mga past (choice) items ni Ricky in his widely-read Sunday column.

Sa book launching ng "Conversations with Ricky Lo", si Ricky ang naging star of the night to think na nagsibabaan mula sa langit ang maraming bituin na kinabibilangan nina Susan Roces, Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Martin Nievera, Cesar Montano, Kris Aquino, Alice Dixson, Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, Richard Gomez and wife Lucy Torres, ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Judy Ann Santos, Korina Sanchez, Kuh Ledesma, Victor Neri, Tintin Bersola at Julius Babao, at marami pang iba. Namataan din namin doon ang mag-inang Mother Lily Monterverde at Roselle Monteverde-Teo, Bibeth Orteza, Lani Lobangco, Daisy Romualdez, Boots Anson Roa, Lolit Solis, Marissa Sanchez, Atty. Katrina Legarda, Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Directors Gil Portes, Joel Lamangan, Joey Gosiengfiao at Mel Tionglo at iba pa. Suportado rin si Ricky ng kanyang mga kasamahan sa panulat at mga taga-TV industry, gayundin ng mga talent managers na kinabibilangan nina June Rufino, Manay Ethel Ramos, Shirley Kuan, Norma Japitana, Nestor Cuartero, Dolor Guevarra, Angeli Pangilinan-Valenciano, Manay Lolit Solit at iba pa.
*****
We have always considered Daddy Wowie Roxas a good friend magmula nang siya’y aming makilala many years ago. He’s always there for you whenever you need him na walang kabayarang kapalit. Hindi na rin halos namin mabilang ang mga pabor na aming hiningi sa kanya at kasama na rito ang libre naming pag-iimbita ng kanyang mga talents sa iba’t ibang okasyon na kami mismo ang namamahala at kasama na rito ang magkasunod na launch ng aming S Entertainment Magazine, una sa 8th Day Bar-Café in Ortigas Center at pangalawa sa Virgin Café Resto-Bar sa Tomas Morato in Quezon City kung saan sa dalawang magkasunod na okasyon ay dala-dala niya ang bago niyang talent na si Dax Martin na nagparinig ng ilang awitin sa magkahiwalay na okasyon. Sa unang dinig pa lamang namin kay Dax ay nakitaan na agad namin ito ng kakaibang talino sa pag-awit. Hindi typical Filipino ang kanyang boses, more sa isang black American. Sinabi naming kay Daddy Wowie (na siyang tawag sa kanya ng mga taga-showbiz) na malayo ang mararating ni Dax kung ito’y mabibigyan lamang ng break sa recording. That was September of last year nang una naming makadaupang palad si Dax.

Ganun na lamang ang aming pagkagulat nang makatanggap kami kay Daddy Wowie ng imbitasyon sa launch ng debut album ni Dax under Icon Records (na pag-aari mismo ni Daddy Wowie). Nakapanghihinayang lang at hindi kami nakadalo sa press launch na ginanap last Monday (Jan. 28) sa Downtown ng Hotel Rembrant. Ganunpaman, ang aming pagbati sa aming Kumpareng si Daddy Wowie at sa maiden talent ng kanyang Icon Records na si Dax Martin.
*****
By the time this column comes out ay nakaalis na kami patungong Tokyo, Japan kasama ang premier band ng bansa, ang Side A together with concert queen na si Pops Fernandez at ang dalawang Hunks na sina Troy Montero at Piolo Pascual for a major concert sa Nakano Sun Plaza Hall on February 3 (Sunday) at 2:00 p.m. na produced ng IPS, Inc. (Tokyo), isang telecommunication company based in Japan. Sa February 4, (Monday) ang balik ng tropa sa Maynila kaya sa aming pagbabalik ay tiyak na marami kaming tsika sa mga happenings ng tropa sa Japan.

Show comments