Sinabi ni Dingdong na kung seseryosohin ng kanyang kabiyak ang nasabing palaro ay baka maging taunang event na ito. "Kaya ko lang naman naisip ito ay dahilan sa napaka-mahiyain ni Jessa. Sa pamamagitan nito ay matututunan niya na makipag-mingle sa mga kaibigan at kakilala ko at maging sa iba pang tao. Enjoy naman siya na maglaro ng golf na alam niyang kinababaliwan ko bukod sa kanya," ani Dingdong.
Dahilan din kay Jessa, isina-isantabi muna ni Dingdong ang sarili niyang golf tournament na balak sana niyang dalhin sa Guam . Napakarami namang naging participants ng tournament na pormal na binuksan ni Richard Gomez. Mayroon akong nakitang ilang mga showbiz faces, gaya nina Eddie Gutierrez, Al Quinn at Vernie Varga.
Samantala, ang Dingdong and Jessa... In Love ay tatampukan din nina Marissa Sanchez, Noisy Neighbors, Whiplash, Yam Ledesma at G-Mix Choir.
Magkakaroon dito ng maraming duets ang mag-asawa na binubuo ng mga love songs, bilang paghahanda sa Araw Ng Mga Puso.
"Mas mahirap itong gagawin naming concert sapagkat kailangang ang repertoire ay ibagay sa dalawang boses, di kapareho nung Mesmerize concert ko last December sa Music Museum na ang areglo ay para sa iisang boses lamang. Ngayon may voicing na. Plus, asawa ko pa ang direktor. Mabait naman siyang direktor, hindi sumisigaw o nagtataas ng boses pero, syempre, kahit asawa ako boss din siya sa show.
"Kung may feel good movie, this is a feel good concert for people who are in love," sabi ni Jessa.
May nagtanong kay Dingdong kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa.
"Words are not enough to express how much I love her," sabing may pagka-makata ni Dingdong. "Its immeasureable, may word ba na ganito?" tanong ni Dingdong bilang pagtatapos.
She finally launched her self-titled debut album na prodyus ng Richsound Music at ipinamamahagi ng Vicor Music. Naglalaman ito ng 10 awitin na nagtatampok sa "Ikaw lamang Sa Puso Ko" bilang carrier single.
Marami ang nagtatanong kung mag-aartista rin siya. Sayang naman daw ang face na pwedeng gawing puhunan.
"Kung may dumating na magandang role bakit hindi," sabi niya.
Sa halagang P650, mayroon nang dinner at show na mapapanood ang mga Theresians at ang mga bisita nila sa direksyon ni Freddie Santos and ni Gina Valenciano-Martinez bilang prod consultant.
May Misa sa 5:30 n.h., dinner sa 7:00 n.g. at show sa 8:00 n.g. May sayawan pagkatapos ng show. Mayroon ding raffle na pwedeng manalo ng P50,000, P30,000 at P20,000. Si Gng. Nieves Sanchez ay nag-donate ng dalawang (2) US$ 250.00, limang (5) US$100.00 at apat (4) na P2,500 para lamang sa mga darating na Theresians. Ang raffle ticket ay nagkakahalaga lamang ng P100.00