Sina Ray Ventura at Koko Trinidad sa video
January 29, 2002 | 12:00am
Dalawa sa mga maipagmamalaki nating aktor hindi lang dito sa atin kundi sa ibang bansa man sina Ray Ventura at Koko Trinidad ay walang dudang malaking kawalan sa industriya. Ang kanilang pambihirang pagganap sa bawat karakter na iniaatang sa kanila ay talaga namang kahanga-hanga at maituturing na malaking kontribusyon sa pelikulang lokal. Ngayon, ang C-Interactive Digital Entertainment ay nagpupugay sa kanilang talento sa pamamagitan ng pag-release sa VHS at VCD format ang isa sa kanilang mga huling pelikulaang Live By The Fist.
Sa international movie na ito na unang mapapanood sa video lamang, si Ventura ay si Father Zamora na naatasang samahan ang mga delegado ng Human Rights International sa pagpunta sa isang kontrobersyal na kulungan sa Bolera Island. Ang grupo ay pinangungunahan ng magandang si Helen Ferris (ginagampanan ng Amerikanang aktres na si Laura Albert) na nag-imbestiga sa mga anomalya at patayan na diumanoy nagaganap sa naturang kulungan na pinamamahalaan ng isang mala-demonyong warden (Vic Diaz). Ang impormasyon ay ipinarating ng prison doctor na ginagampanan naman ni Trinidad. Sa sumunod na pangyayari, sina Father Zamora at mga delegado ay naging bahagi ng isang brutal na laro na isinasagawa hindi lang sa loob ng kulungan kundi maging sa buong isla. At sa barbarong laro na ito, namamayani ang isang misteryosong martial arts expert. Pero siya kayay kakampi o kaaway?
Dahil sa world-class na pagganap dito nina Ventura, Trinidad, Diaz at iba pang local actors tulad nina Berting Labra, Roland Dantes at Ramon DSalva, ang Live By The Fist ay dapat lang na panoorin ng mga Pilipino. Bida ang World Kickboxing champion na si Jerry "Golden Boy" Trimble, ang mga orihinal na kopya nito ay available na sa mga paboritong outlet sa buong kapuluan. Para sa katanungan, pakitawagan lang ang tel. nos. 2455011-12 (Manila), 032-4121948 (Cebu) at 082-2210405 (Davao). Zar Baisas

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended