Mga tagahanga mula sa probinsya susuporta sa 1st day showing ng movie ni Juday
January 29, 2002 | 12:00am
Lalong nababahala ngayon ang mga tagahanga ni Judy Ann Santos dahil ipapalabas na sa Wednesday ang bago nitong movie, ang May Pag-ibig Pa Kaya? na kulang sa promotion at publicity. Karaniwan sa isang pelikula ay napapanood ang trailer nito sa telebisyon, isa o dalawang linggo bago ito maipalabas. Ang nangyayari, kahit maganda ang pelikula kung kulang naman ito ng paalala, maraming mangangamba na di ito kikita.
Ang naturang movie ay unang tambalan nina Juday at Luis Alandy. Pagsasama muli ito ng "perennial enemies" sa pelikula na sina Juday at Gladys Reyes. Alamin kung ano ang bago sa salpukan ng dalawa, mula Mara Clara days kumpara sa ngayon. Idinagdag pa dito si Matet de Leon na nagpapakita na rin ng galing sa pag-arte.
Ayon sa aming source, tiniyak ng producer ng Starlight na mapapanood na ang trailer ng movie simula sa Lunes at tuluy-tuloy na ito sa buong isang linggo. Handang-handa na ang mga tagahanga ng young actress para suportahan ang pelikula nito sa first day showing. Pati mga tagahanga mula sa karatig-bayan tulad ng Bataan, Pampanga at ilan pang malalapit na lugar ay luluwas para sumuporta.
Kung matutuloy ang plano, sabay-sabay na magdi-day off ang mga tagahangang empleyado sa kanilang trabaho at sabay-sabay na manonood ng movie ng kanilang idolo. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended