Mga lalaking 'Kaulayaw'

Tatlong tao ang nagtulung-tulong para mabuo ang company at tatlong media ang binabalak pasukin kaya tinawag nila itong Tri-Vision Films. Ito ay sa pamumuno ni Atty. Gaudioso Manalo kasama sina Lynn Madrigal at Yoly Q. Leano.

"Sa pagpasok namin sa films, sexy movie agad ang isinalang namin pero hindi naman ito basta-bastang hubaran na lang," kuwento ni Atty. Manalo of their initial venture. Kaulayaw directed by Jun Posadas.

"Ang mga bida ay sina Allan Paule, Julio Diaz, Barbara Milano at Allen Dizon at support naman sina Roy Alvarez, Lovely Rivero, Jeffrey Santos, Alberto de Esteban, Lynn Madrigal, Johnny Vicar at Aimee Torres. Ipapakilala si Aleck Bovick.

Show comments