Sino ang mas sikat? Sino ang mas magaling ?

Napakabago ng Freestyle kung ikukumpara sa Side A. Pero, hindi mapasusubalian na nakagawa na sila ng marka sa maikling panahon nila sa recording and concert scene.

Mula sa club scene sa Davao ay pumalaot sila ng Maynila na kung saan ay patuloy na gumagawa ng pangalan ang anim na musicmaker na kinabibilangan nina Jinky, Top, Tat, Carlo, Nikki at Gerald.

Samantala, ’89 pa ay kilala na ang Side A na binubuo nina Joey G., Naldy, Kelly, Joey B at Ernie. Makatapos ang kanilang self-titled debut album nung 1989 ay pawang mga hits na ang inilalabas ng grupo na nabigyan na ng mga gold at platinum awards.

Sa Pebrero 8 at 9, magsasama ang dalawang banda sa isang pre-Valentine concert sa Araneta Coliseum sa ika-8:30 ng gabi at sa Cebu City Sports Center sa ika-16 ng Pebrero at sa Pebrero 23 sa Freedom Ring Amphitheater, Clark Expo, Pampanga.

Ang konsyerto na pinamagatang Side A and Freestyle: Back To Back (Live On Tour) ay magtatampok din sa Manoeuvres.

Bagaman inaasahang dadayuhin ang konsyerto, inaasahang mapatutunayan sa konserto kung sino sa dalawang grupo ang mas sikat at mas magaling.

Show comments