^

PSN Showbiz

May Jericho rin si Isabel

- Veronica R. Samio -
Lumabas na rin ang identity ng nobyong gusto sanang ilihim ni Isabel Granada sa publiko. Hindi dahil ikinahihiya niya ito kundi gusto sana niya na makilala na nila ng husto ang isa’t isa bago sila "paglaruan" ng media.

Matatandaan na ang dalawang naunang relasyon ni Isabel ay hindi naging matagumpay at bagaman at hindi niya ito isinisisi sa media, gusto pa rin niya na sana ay sanay na sila ng kanyang boyfriend sa isa’t isa, na hindi na sila maaapektuhan pa ng kahit na anong intriga.

Ang secret boyfriend ni Isabel ay si Jericho Genaskey Aguas o Geryk sa mga pamilya’t kaibigan niya. Nagkakilala sila nang gawin nila ang komersyal ng Tanduay. Naging magkapareha sila dito. Bago ito, hindi nila kilala ang isa’t isa.

Dalawamput isang taong gulang na si Geryk, tapos ng kursong Electrical Engineering sa De La Salle College. Bago siya napasok sa showbiz ay naging ramp at print model muna siya. May taas siya ng 5"7" at tumitimbang ng 140 lbs.

Hindi nakapagtataka kung magkaroon siya ng isang magandang boses na inaasahan niya na magbibigay sa kanya ng kasikatan in the future. Lolo niya ang sumikat na manganganta nung ’70s na si Rudy Genaskey, ang tinaguriang "Tom Jones of the Philippines".

Magandang lalaki si Geryk kaya sa murang gulang ay marami na ang humihingi sa kanyang mga magulang ng kanyang larawan. Ipinagmamalaki niyang sabihin na ang kanyang "lolo" ang pinaka-malakas niyang supporter sa kanyang pagpasok sa showbiz. Pero, kahit dala-dala niya ang pangalan nito he was determined to make it on his own merits. "Pinapakanta nga nila sa akin yung mga songs ni lolo pero, sinabi ko, hindi ako si Rudy Genaskey. Si Geryk ako," sabi niya.

Nang manalo siya sa SM’s Model Search 2000, "Nandoon si lolo, nanonood. Siya ang pinaka-malakas pumalakpak, pumipito pa siya," dagdag pa niya.

Bilang nag-iisang apo na sumunod sa yapak ng kanyang lolo, ano ang masasabi nito sa piniling career ni Geryk?

"Good luck na lang daw po and be friendly. Regular po niya akong kinakamusta mula sa Las Vegas na kung saan siya naka-based," anang third generation Genaskey.

Ano ba ang nagustuhan nila ni isabel sa isa’t isa?

Pareho po kaming taong-tao, walang pretensyon. Wala kaming lihim sa isa’t isa. Lilimang buwan pa lamang ang aming relasyon pero, parang kilalang kilala na namin ang isa’t isa.

"Gusto pa sana niya akong pahirapan sa panliligaw sa kanya pero, sabi ko sa kanya bigyan niya lang ako ng pag-asa, liligawan ko siya habang buhay. Madalas dalhan ko sila ng kanyang mom ng large bouquet of flowers. Hindi ako nahihiya na dala-dala ko ang mga ito sa malls.

"Ginagawan ko rin siya ng poems, even her mom. I tell her mom how I appreciate kung gaano niya kaganda pinalaki ang kanyang anak. Well, yung mga poems ko kay Isa tell her of my love and how much I love her."

Geryk and Isabel call each other "Sweet".

Hindi ba siya maapektuhan kapag may nagsabi na ginagamit niya ang kanyang girlfriend para siya makilala?

"No, dahil hindi naman totoo," sabi niya bilang pagtatapos.

DE LA SALLE COLLEGE

ELECTRICAL ENGINEERING

GERYK

ISA

KANYANG

NIYA

RUDY GENASKEY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with