Minamaltrato raw ni Dennis ang anak ni Kier?
January 28, 2002 | 12:00am
Matagal nang umiikot ang balita na pinababayaan daw at minamaltrato ni Konsehal Dennis Padilla ng Kalookan si Daniella, ang anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto.
Sa paraan man ng blind item o balitang pinapangalanan ay lumalabas na hindi tanggap ni Konsehal Padilla ang anak ng kanyang misis kay Kier.
Karaniwan nang nagaganap ang mga ganyang kuwento sa loob at labas man ng showbiz, kaya may ilang naniniwala na ganun nga ang nagaganap sa pamilya ng konsehal.
Pero ang mismong kapatid ni Marjorie ang nagtuwid sa balita, ang "Mama Pretty" ni Daniella na si Claudine, walang-wala raw katotohanan ang balitang yun.
Kabaligtaran ng tsismis ang mga pahayag sa amin ni Claudine, dahil kung tutuusin nga raw ay mas binibigyan pa ng atensyon ng magiting na konsehal ng Kalookan ang kanyang pamangkin, kaysa sa mga sariling anak nito.
Si Claudine ang unang-una nating mariringgan ng reklamo kung totoo ang balita, dahil siya na ang nakilalang ina ni Dani, ang anak nina Kier at Marjorie.
Parang tunay na anak na ang turing ni Claudine sa kanyang pamangkin, kasa-kasama niya sa taping at shooting si Daniella, grabe ang bonding at pagmamahalan ng magtiyahing ito.
Ang totoo, ayon kay Claudine ay puwede pa ngang sabihing si Marjorie ang kinakapos ng atensyon kay Dani at hindi si Konsehal Dennis, dahil sa lahat ng pangangailangan ng bata ay si Dennis ang umaasikaso.
Tulad ngayong sumasailalim sa therapy si Dani, si Konsehal Dennis ang tumututok sa dalagita, pagkatapos ng trabaho sa konseho ni Dennis ay ito ang umaasikaso sa anak nina Kier at Marjorie.
"Walang kahit anong pagkukulang ang kuya ko kay Dani at sa buong pamilya niya, ang suwerte-suwerte nga ni Marj sa kanya," sinsero pang pahayag ng reyna ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan.
Sa personal naman naming opinyon ay bakit si Konsehal Dennis ang kailangang silipin tungkol kay Daniella?
Oo ngat tinayuan na ni Dennis ang pagiging ama ng bata ay nasaan na ba si Kier, ang punlang pinagmulan ni Daniella?
Sa halip na butasan at intrigahin ay dapat pa ngang saluduhan ang kadakilaan ni Konsehal Dennis kay Daniella, dahil hindi niya naman sariling dugo at laman ang anak ni Marjorie, pero mas masahol pa sa tunay na dugo ang pagtrato niya sa bata.
Bibihirang padrasto lang ang makikita nating makapagbibigay ng kasing lawak na pagmamahal na tulad ng ipinakikita ni Dennis sa anak ni Marjorie, hindi lahat ng pangalawang ama ay maaaring gumawa ng kadakilaan ni Dennis.
Kung anong pagmamahal at atensyon ang ibinibigay niya sa kanilang mga anak ni Marjorie ay ganun din ang ibinabahagi niya kay Daniella, at ayon nga sa kuwento ni Claudine, ay baka nga nakahihigit pa.
"Its not true! Napakasuwerte ng pamangkin ko, dahil si kuya ang naging stepdad niya," konklusyon pa ni Claudine.
Para ipagtanggol ng batang aktres ang kanyang bayaw sa halip na makisimpatya sa kanyang pamangkin ay walang-wala ngang katotohanan ang balita, tsismis lang yun na walang basehan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended