Kwento ng aking source ay isinama ng sikat na aktres ang baguhang sexy star sa isang affair. Nagulat ang baguhan dahil hindi niya alam na puro mga businessmen ang naroon na mga DOM. Waring ipinapain ang beauty ng baguhang aktres sa mga negosyante.
Nakatunog ang baguhang aktres sa balak gawin ng sikat na seksing aktres kaya bigla itong nagpaalam. Naging kontrobersyal din ang seksing aktres noon lalo na noong kasagsagan ang kanyang kasikatan. Nakarating na sa manager ng baguhang sexy star ang ginawa sa alaga niya.
Mataray ang dating ni Korina kaya iisipin mong suplada ito sa tunay na buhay pero ilang broadcaster na rin ang napagtanungan ko during the presscon na mabait si Korina as a person lalo na kapag naging kaibigan ka niya. Maalalahanin ito at mabuting makisama nang walang bahid na kaplastikan ika nga.
Kilala bilang fashionable si Korina at isa ito sa well-dressed celebrities. Ano ang ginagawa niya sa marami nitong damit na naisuot na?
"Ang ibang damit ko ay ibinibigay ko sa mga kasambahay at katulong. Yoong iba naman ay pinagbibili namin ng P100.00 kapag may garage sale pero napupunta naman sa kawanggawa ang napagbibilhan nito," aniya. Walang inggit sa kanyang kapwa si Korina dahil nanggaling ito sa masayang pamilya. Ang kanyang ama na 80 years old ay number one critic niya. Ang kanyang ina na 60 years old naman ay isang dating singer sa kilalang hotel sa Hongkong. Biro nga namin kay Korina kung magaling din siyang umawit gaya ng kanyang ina. "Minsan nga mag-karaoke tayo at magkantahan," pagtatapos na pahayag nito.
Tinanong namin si Jo kung hindi ba nataypan ang beauty niya ng Japanese action star. "Siya ang tanungin nyo pero ilan na ang nagsabi sa akin na ipinagmamalaki ako nito sa lahat at sinasabing mapalad ang lalaking mamahalin ko," dagdag pa nito.
Nang tanungin naman namin si Jacky ay sinabi nito na bukod sa napakaganda ng kanyang kapareha ay intelihente rin na bihirang makita sa isang babae." Shes a combination of beauty and brain," sey ng aktor.
Sakaling ligawan ka ni Jacky, may pag-asa ba siya? tanong namin.
"Bakit hindi, binata naman siya at dalaga ako at mabait. Pinoy na Pinoy ang kanyang ugali. Punumpuno pa siya ng talento bukod pa sa kanyang karisma," dagdag pa ni Jo.
Hindi kami magtataka kung may mamuong relasyon sa pagitan ng dalawa lalo pa ngayon at very open sa pagsasabi si Jacky na matindi ang paghanga nito sa dating beauty queen.
Ayon kay Jacky sana ay magkatambal uli sila sa susunod na proyekto. Sa pelikulang Hustler ay may lovescene ang dalawa kung saan habang kinukunan ang eksena ay ninerbyos nang husto ang action star at sinabing bumilis ang tibok ng kanyang puso lalo na nang magdampi ang kanilang mga labi.
Itinuturing din ni Jacky si Jo bilang isa sa pinakaseksing aktres na nakapareha na niya.