Sana ganito rin ang mangyari sa competition nina Jolina at Juday. Sana maging masigla rin ang lahat. Walang awayan sa pagitan nila Juday at Jolina at sa mga fans na rin nila dahil hindi maganda kung ganoon ang mangyayari.
Pagdating naman sa kanilang leading man, tulad sa kaso ni Luis Alandy na leading man ni Judy Ann sa May Pag-ibig Pa Kaya? malaking pagkakataon ito sa baguhang aktor para patunayan ang kakayahan niya bilang isang tunay na artista. Kung mapapansin natin, paiba-iba ng leading man si Judy Ann. Ang palagay ko, naghahanap ng perfect pair ang ating batang superstar. Bagamat andiyan si Piolo Pascual, hindi pa rin naman ganoon ka-seryoso ang kanilang relasyon.
Si Jolina naman, siyempre ay may Leandro Muñoz sa Kung Ikaw ay Isang Panaginip. Si Leandro alam naman nating lahat ay nag-umpisa sa commercial at madali naman siyang tinanggap ng publiko. Sa katunayan, lahat ng pelikulang sinamahan niya ay nag-hit.
Ang publiko na lang ang bahalang humusga sa kani-kanilang pelikula. Sana nga, pareho natin silang suportahan dahil sigurado akong parehong maganda ang pelikula nila.
Sa pagbubukas ng bagong Greenhills mall, panibagong atraksyon na naman ito na maaaring puntahan ng ating mga kababayan na mahihilig mag-shopping at manood ng sine.
Sa management ng bagong Greenhills mall, ang aking mainit na pagbati.
Sa pagpunta niya sa Cebu, mataas ang expectation ng lahat sa kanyang concert kaya sana naman ay ibigay niya ang lahat sa kanyang performance ng hindi naman mabigo ang mga Cebuano.