Kailan ba huling umiyak si Korina?

Ibang Korina Sanchez yun na nakasalo namin sa isang masaganang tanghalian. Walang make-up na mas bagay sa kanya sapagkat naging mas malambot ang kanyang features na taliwas sa nakaka-intimidate niyang imahe bilang isang broadcaster. Come to think of it, hindi nga pala naka-capture ng camera ang tunay niyang kagandahan. Sa screen ng mga TV sets, ang imahe niya ay isang napaka-tapang na babae, intelihente at tipong walang inuurungan. Mataray na tingnan gayong napaka-dalas pala niyang tumawa kapag nasa harap ng mga kaibigan at witty. Nakakalimutan mo tuloy na pwede naman siyang magmalaki. Sa kanyang trabaho, napakaraming firsts and exclusives siyang ginawa. Gaya ng unang interview kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bago ito sumumpa bilang Pangulo before the Supreme Court sa Edsa Shrine nung Enero 20, 2001; Exclusive and only interview with SC Chief Justice Hilario Davide after the breakdown of the impeachment trial; Exclusive kay Col. Cesar Mancao at first with Col. Michael Ray Aquino after their escape from the Philippines after the Mendiola siege; Exclusive sa witness sa pagkakapatay kay Masbate City Mayor Moises Espinosa, Jr.; Exclusive interview kay Malou Nuñez, ang babaeng nagpawalang sala kay First Gentleman Mike Arroyo sa Telecom franchise deal; Exclusive sa alleged drug lord Kim Wong; Exclusives sa Comelec counting iregularities na sinabi ni Com. Luz Tancangco, Maria Teresa Carlson, Miriam Defensor Santiago, Danding Cojuangco at one-on-one kay Rod Strunk.

Sa kabila ng napaka-laking achievement ni Korina bilang isang broadcaster, she is equally proud of her work in radio na aniya ay mas fulfilling sapagkat mas marami siyang nasasabi at mas maraming naabot na tao.

Sa kabila rin ng kanyang "katarayan" ipinagmamalaki niya ang pangyayaring hindi pa siya nagkakaroon ng kasong libelo.

Oo, ang tinatawag na mataray na babae ay isang mapagmahal na anak, kapatid, kaibigan at kasama sa trabaho. The only girl of five siblings, she treated her family last summer from the youngest to the eldest, sa isang bakasyon sa Boracay. Last Christmas, pinalagyan niya ng high tech audio ang bahay ng kanyang mga magulang.

And mind you, kahit hirap siyang umiyak, hindi niya mapigilan ang mapaiyak nang magpaalam sa kanya sina Ted (Failon) at Ka Noli (de Castro). Ito si Korina Sanchez, ang babaeng isang buwan bago ikasal ay nagbago ng kanyang isip at nagpasyang ayaw pa niyang mag-asawa. Handa na ang gown na gawa ni Ino Sotto, may mga imbitasyon na. "Pero naging magkaibigan pa rin kami pagkatapos ng lalaking sana ay kasama kong humarap sa dambana," katwiran niya.
*****
Isang 20 taong gulang na estudyante mula sa Barangay Bangculasi ang nanalong Miss Navotas 2002. Siya si Gay Ann Ponge, may taas na 5’7" na tumalo sa 13 contestants para sa titulo. Naging chairman ng hurado si Renee Salud.

First runner-up si Ann Bernal ng Barangay North Bay Blvd. at 2nd runner-up si Glorie Ann Perry ng Barangay Tangos.

Ang search para sa Miss Navotas ay pinaka-finale ng isang linggong selebrasyon ng 96th anniversary ng Navotas na pinamumunuan ni Mayor Toby Tiangco.

Show comments