"The effects used in the movie, yung motion control are the same effects na ginamit sa Moulin Rouge and The Lord of the Rings. Kaya nga happy ako dahil ginastusan ng Star Cinema ang movie. Madugo pero sa nakita kong outcome,worth it naman," sabi ng isa sa pinakamatagumpay na director sa bakuran ng ABS-CBN.
Bukod sa pagiging director, involved din si Direk Wenn sa kuwento na Kung Ikaw Ay Isang Panaginip. Ayon sa kanya, nabuo ang kwento dahil sa isang panaginip niya. "Nanaginip ako tapos naikwento ko kay Tammy (Bejerano), creative manager ng Star Cinema. Hanggang sa mabuo na with writers Ricky Lee and Mel del Rosario. At ngayon, pelikula na."
Umaasa si Direk Wenn na kumita ang pelikula dahil ganito raw ang mga pelikulang gusto niyang i-offer sa publiko. "Sa rami ng problema ng bayan, dapat bigyan sila ng isang masayang pelikula. A movie worth their money. Yung paglabas nila ng sinehan, its either happy sila o ma-in love sila."
Para sa kaalaman ng marami, si Direk Wenn ang director ng tatlong pinakamatagumpay na soap opera ng ABS-CBN, ang Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon at Sa Dulo ng Walang Hanggan. He has also directed other shows like Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at iba pa.
First time ni Marvin na kumanta with live band headed by Rey Lizardo na siya ring musical director ng shows. Marvin will be joined by Patricia Javier and Ethyl Gabison as guest performers.
Sa January 28 naman, bibisitahin ni Marvin ang Asosacion de Damas de Filipinas, isang charitable institution that provides shelter for the homeless. Food and entertainment program will be provided by Jollibee.
O, di ba, bongga ang birthday ni Marvin? Bukod sa birthday concert, may noble deed pa siyang gagawin.
Happy Birthday, Marvin!
"Gusto ko ng change sa image ko. I want to be more mature. Even sa roles, gusto ko, yung may lalim na. Kaya nga I work out a lot eh. I also do war games. Kasama kami ni Jericho Rosales," kuwento nito.
Sa ngayon, Baron is regularly seen in Tabing Ilog and Recuerdo de Amor. Ang balita ni Baron, he will be given a new loveteam. "Hindi ko pa alam kung sino. Siguro they are experimenting on a new pairing," sabi niya.
Ano na kaya ang mangyayari sa loveteam nila ni Jodi Santamaria?
"Ang alam ko, he will be paired with Patrick (Garcia). Kasi sila rin ang magkasama sa Pangako Sa Yo. Okey lang yun sa akin. Were friends pa rin naman, eh."
Wish ni Baron ay muling makagawa ng isang pelikulang makabuluhan tulad ng Anak where he played the role of Vilma Santos son.