^

PSN Showbiz

Aktor, direktor ng 'Hesus Rebolusyonaryo', nagtulakan

- Veronica R. Samio -
Inamin ni Lav Diaz, direktor ng pelikulang Hesus Rebolusyonaryo ng Regal Films na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang aktor sa pelikula na si Mark Anthony Fernandez habang sino-shoot nila ang pelikula. Dahilan dito ay itinulak siya ni Mark na ginantihan niya ng panunulak din. Pero, pagkatapos ng silakbo ng kanilang mga damdamin ay nagyakapan din sila ni Mark.

"Wala ito, dahilan lamang siguro sa napaka-sensitibo niyang aktor na hindi makuha ang motivation na ibinibigay ko sa kanya kaya nagalit siya," kwento niya.

Ang Hesus Rebolusyonaryo na sinulat rin ni Lav Diaz ay isang futuristic film, mga 10 taon advance sa kinabukasan, nang ang bansa ay nasa ilalim ng military junta. Si Mark ay isang batang rebelde na nasa proseso ng pagtuklas sa mapait na katotohanan kung paano natatapos ang mga rebolusyon at nahihirapan siyang tanggapin ito.

"You have to watch the film. Ang galing ng performance ni Mark. He excels in both dramatic and action scenes. And I tell you they were the most difficult I’ve done," ani Lav na sa kabila ng nangyari sa kanila ng kanyang lead actor ay naniniwala pa rin na ito lamang ang makapagbibigay ng justice sa nasabing role.

Mark’s acting reaches its peak in the movie. He shines in the company of such distinguished thespians as Joel Lamangan, Ronnie Lazaro, Pinky Amador, Bart Guingona, Richard Joson, Dido dela Paz and Ricardo Cepeda.

Mark’s leading lady is Donita Rose na inamin ni direk na talagang gusto niyang gumanap ng role ng love interest ni Mark na isang pipi at bingi. "Ini-adjust ko ang schedule ng aking shooting sa schedule niya," sabi niya.

Also in the cast are Marianne dela Riva, Orestes Ojeda, Arvin "Tado" Jimenez and Lawrence Espinosa.
* * *
I got the impression na depressed si Martin Nievera nang humarap siya sa media para sa paglulunsad ng kanyang Martin Nievera: XV4Ever–The Adventure Continues, isang musical extravaganza na magaganap sa Pebrero 2, 2002, 8:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Apektado kaya siya ng pagkawala ng kanyang Martin Late @ Night na tinanggal ng ABS-CBN sa ere nang hindi ipinaalam sa kanya? Nalaman na lamang niya pagkagaling niya sa US na puro replays na lamang ang napapanood dito. At sinabi niya na sa puso niya ay alam niya na tuluyan na itong mawawala sa ere pero, hindi raw siya naghihinanakit sa mga taga-Dos sapagkat malaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa kanila.

O baka naman nagseselos na siya sapagkat may bago nang mahal ang kanyang ex-wife na si Pops Fernandez at anumang pag-asang mayroon siya na magkakabalikan pa sila ay tuluyan nang nawala?

Bakit nga kaya parang namamaalam na si Martin? Sabi ng katabi kong press din baka raw dahil mas sigurado na sa hindi na makakasama siya sa concert tour ni Mark Anthony, isang sikat na Latin singer sa tradisyon ni Ricky Martin, na tutungo sa 19 cities at kahit na umoo na ang tanyag na Puerto Rican singer in principle lamang ay sigurado na si Martin na makakasama sa 4 cities, baka raw madagdagan pa ito kapag nagustuhan siya ng asawa ni Dayanara Torres na siyang nag-build up sa kanya kay Mark Anthony.

Paano naman kaya kung lumabas na mas magaling siyang singer kay Mark Anthony? Di kaya mabawasan pa ang apat na shows na sigurado nang masasamahan niya? Ibig bang sabihin, kailangang magpa-under dog siya sa banyagang mang-aawit?

Going back to Martin’s dome concert, nag-iisa lamang siya sa show. Di tulad sa mga naunang palabas dito sa Waterfront Hotel sa Cebu City nung Enero 19 na nakasama niya si Zsazsa Padilla. Si Zsazsa rin ang guest niya sa La Salle Coliseum sa Bacolod City sa Enero 26. Pagkatapos sa Araneta Coliseum ay sa Freedom Ring Amphitheater sa Expo Pilipino Complex sa Clark Field, Pampanga siya sa Pebrero 9.

"May guest din siguro ako pero, hindi ko pa alam. Sorpresa na lang," ang sabi ni Martin na patuloy pa rin sa kanyang mga nakakalungkot na pananalita.

Ang mga beneficiaries ng mga Crossover concerts ni Martin ay ang Cebu City Task Force On Streetchildren (Cebu); Hope Volunteers Foundation (Bacolod) at Goodwill Industries Of The Philippines Inc. (Manila).

Mabibili ang mga tiket para sa Araneta Coliseum show sa SM Ticketnet, Robinson’s Manila at 105.1 Crossover Office sa halagang P1200 (patron), P800 (lower box), P600 (upper box A), P300 (upper box B) at P100 (general admission).

ARANETA COLISEUM

HESUS REBOLUSYONARYO

LAV DIAZ

MARK

MARK ANTHONY

MARTIN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with