"Akala ko nung una, kasama lang ako sa movie, di ko alam na bida pala ang role ko, at kapareha pa ni Juday. Syempre, sino ba ang hindi matatakot? Sanay nga ako sa TV pero, di pa sa pelikula. Pinroblema ko kung paano ko aatakihin ang role ko," sabi niya.
When asked kung di ba siya natatakot na baka magalit sa kanya ang libu-libong fans nina Juday at Piolo Pascual, sinabi niyang "Di ko naman inaagaw si Juday kay Piolo. Trabaho lang ito na kailangan kong gampanan. Maambunan man lang ako ng swerte na nakuha ni Wowie (de Guzman) nang makapareha ni Juday ay okay na," dagdag pa niya.
Di ba masyadong madali ang asenso niya?
"Two and a half years akong nasa GMA at one and a half sa ABS-CBN, madali pa ba ito? Hindi naman ito instant stardom, its a product of good luck and hard work."
Tatanggap pa ba siya ng supporting role after this?
"Bakit naman hindi? I will not be intimidated by my role in this film, nor by other actors, I believe I have my own destiny," sabi niya.
"Pangarap ko lang naman ay maging isang matagumpay na artista. Para maging masaya ang lahat. Lalo na ang sarili kong pamilya, my mom and dad, ang mga kapatid ko.
"Yung mga nagsasabing nanay ko raw sila, di ko na lang pinapansin. Kuntento na kasi ako sa family ko. Ayaw kong mawalan ng communications sa kanila. Binibisita ko naman sila although, hindi madalas kasi malayo naman sila. Nasa Fairview si ate Lotlot at nasa Parañaque naman sila dad at kuya Ian.
"Okay na kami ng mom ko, kahit na matagal na rin kaming hindi nagkakausap."
Kontrabida ang role niya sa May Pag-ibig Pa Kaya? "Pero, hindi masyadong masama ang role ko. Ako ang girlfriend ni Luis Alandy na naagaw ni Judy Ann.
"Okay lang sa akin ang maging kontrabida. Hindi naman kasi bagay sa akin ang magpa-sweet. Kaya nga siguro bagay sa akin yung role ko sa Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan parang mahirap gawin pero, hindi naman," sabi niya.
Nanghihinayang siya na hindi nakakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral. "Nag-iisa na kasi ako. Kailangang kumayod. Kailangang samantalahin yung mga roles na dumarating. Sayang, dahil sana first year college na ako," amin niya.
Okay pa rin ang relasyon nila ni Harold Macasero.
Matagal-tagal na rin sila pero, wala pa siyang balak mag-asawa. "Hindi pa ngayon (Shes 18). Baka pagdating ko ng 25 years old. Mahirap mag-asawa ngayon, mahirap ang buhay," dagdag pa niya.
Bagaman at marami siyang kaibigan, both showbiz and non-showbiz, she considers her ate Lotlot her bestfriend.
"Ang alam ko dapat sawa na kami sa pagiging dalagat binata kapag nag-asawa na kami. Pag kasal na kami, dapat wala ng gimik.
"Ilang ulit na rin kaming nag-on and off. Kasi parang over familiar na kami sa isat isa. Naisip namin, kailangang i-reinvent namin ang isat isa.
"Everytime we reconcile, mas madalas kay Chris nanggagaling ang initiative. Kahit na madalas ako ang mali, siya pa rin ang nagsi-set aside ng kanyang pride para lamang kami magkabati."
Kahit na nakilala sa pagiging maldita on screen, inamin ni Gladys na nagkaka-edad na rin siya at dapat mag-grow rin ang kanyang acting. Meaning? "Pwede na rin akong magpakita ng likod at legs," sabi niyang may pagbibiro.