'Lupa at di pera ang hilig ng nanay ko' - Kaye Torres

Bago umalis si Kaye Torres last week ay sinagot niya ang diumano’y pagpapatago ng pera ng dating pangulo sa kanyang ina na si Nida Blanca.

Mariing sinabi niya na ang naipong pera ng kanyang ina ay "Kinita niya sa kanyang pag-aartista sa loob ng 50 taon. Wala siyang naiwang milyon-milyon sapagkat ang hilig niya ay mamili ng real property," aniya bago sumakay ng eroplano, kasama ang assistant niyang si Jacsie Alba patungong LA na kung saan ay aayusin niya ang kanyang iniwang bahay dun at trabaho.

Umaasa siya sa madaling paglutas sa kaso ng pagpatay sa kanyang ina sa panahong siya ay wala sa bansa. –Virgie Balatico

Show comments