Para sa kaalaman ng marami, nagsimula si Direk Jilmer bilang writer sa ABS-CBN ng taon 1992. Nagsimula siya sa Showbiz Lingo. Naging writer din siya ng Martin After Dark, Teysi Ng Tahanan, Today With Kris Aquino, The Buzz at iba pang programa sa Dos. Nakitaan siya ng potensiyal sa pagdidirek at binigyan siya ng kaliwat kanang assignments. Ngayon ay siya na ang direktor ng Feel at Home at iba pang programa sa ANC Channel 21 tulad ng Persona at Cinema News. Ang layo na talaga ng narating ng batang direktor na ito.
Pangarap din namin na mabigyan si Direk Jilmer ng pagkakataon na makapagdirek ng full-length drama show o kayay isang pelikula under Star Cinema.
Incidentally, showing na sa January 30 ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip. Leading man ni Jolina rito sina Leandro Muñoz at Rafael Rosell. May premiere night ito sa January 29 sa SM Megamall Cinema 10.
Kilig din ang mga fans sa mga Star Circle members na sina Cherry Lou, Maoui David, Snooky Ann Sanchez, Michael Agassi, Adrian Albert at Dennis Trillo na naging part ng fashion show.
Napansin ni Carlos na may kinalaman ang soap opera niyang Sa Dulo ng Walang Hanggan kung bakit popular siya. Benjie ang tawag sa kanya ng mga tao.
"Aware sila sa nangyayari sa soap namin. Ang galing nga, eh! Ang sarap ng feeling na na-appreciate ng tao ang ginagawa mo. Kaya nga, kapag nagpi-perform ako, with all my heart na ibinibigay ko ang best ko," sabi ng very humble na actor-performer.
Bukod sa fashion at mini show sa Baguio Center Mall, nagkaroon din ng concert si Carlos sa Spirits Disco.
Dear Eric John,
Maraming salamat sa lahat ng magagandang isinusulat mo about my idol, Mr. Piolo Pascual. Gusto kong malaman mo na natutuwa ako sa mga sinusulat mo sa kanya. Nasasaktan ako kapag may tumitira sa kanya dahil bilang isang tagahanga, ang sakit na nararamdaman ng aking idolo ay sakit ko rin. Mabuti na lang andiyan ka.
Kaya pala ako sumulat din, gusto kong iparating kay Piolo na masaya ako dahil nagkaayos na sila ng Nanay Cristy Fermin niya. Sa totoo lang, nasasaktan ako kapag nakakabasa ako noon na tinitira siya ni Cristy. E, di ba, parang mag-ina sila sa showbiz? Kaya nagtaka ako kung bakit nagkaganon? Ganito rin siguro ang feeling ng milyun-milyon niyang tagahanga.
God bless you,
Karen Amina