^

PSN Showbiz

Piolo, hindi marunong mag-thank you

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Maigsi nga lang ang kinaing minuto, pero mahalaga ang ibinigay na selebrasyon ng ASAP nung nakaraang Linggo nang tanghali para kay Piolo Pascual.

Napapanahon ang ibinigay nilang birthday tribute sa batang aktor na hinahagupit ng mga intriga ngayon dahil sa paghihiwalay nila ng landas ng kanyang manager na si Joji Dingcong.

Kapansin-pansin ang naging pahayag ng ina ni Piolo sa pamamagitan ng phone patch mula sa Monterey, USA kung saan sinabi ni Mommy Amy na huwag na huwag kalilimutang pasalamatan ni Piolo ang mga taong nakatulong sa kanya sa pag-akyat sa tagumpay.

Mula noong mga panahong nasa That’s Entertainment pa lang siya na hindi gaanong ngumiti ang kapalaran sa kanya, hanggang sa mapasama na siya sa Star Circle na nung una’y hindi rin naging paborable sa kanya, hanggang sa muli nga siyang ibalik ni Joji sa Talent Center kung saan sa wakas ay nakalusot din siya sa laban.

Alam naming sa kanyang puso ay alam naman ni Piolo kung sinu-sino ang mga taong naging instrumento para marating niya ang kanyang kinaroroonan ngayon, kaya lang ay dumarating ang taong sa puntong kapag nandun na, ay nagpapaubaya na.

Sa tanggapin at hindi ni Piolo ay marami siyang nakaligtaang asikasuhin nitong mga panahong pataas na ang kanyang antas bilang batang aktor.

Kinapos siya ng pasasalamat sa mga taong sa maliit nilang kakayahan ay nakatulong sa pagningning ng bituin ni Piolo, sentimyento nga ng mga nakakausap naming manunulat, ang isulat daw si Piolo ay parang utang na loob pang dapat tanawin ng reporter sa young actor.

Dahil kami nga ang sinasabihan ng ilang kasama sa panulat tungkol sa kanilang sentimyento, minsan ay sinabi na namin yun kay Lou Gopez , ang dating handler ni Piolo.

Katwiran ni Lou ay hindi raw naman kasi ganung klase ng tao ang aktor, hindi raw mahilig magpakita ng emosyon si Piolo, bagay na kinontra namin.

Sa buhay na ito ay kailangan nating makipagkita sa gitna, hindi tayo pwedeng magmistulang manok na puro pakahig lang ang alam, paminsan-minsan ay kailangan nating kontrahin ang ating kanaturalan bilang senyal ng pagpapahalaga sa mga bagay-bagay na nagagawa ng ating kapwa para sa atin.
-o0o-
Noon ay may Joji Dingcong na palaging tumatawag-nagpapasalamat sa mga reporter na tumutulong kay Piolo, pero ngayong wala na nga ang aktor sa poder ni Joji, hindi na namin alam kung sino ang gagawa ng ganun para sa kanya.

Dadalawang salita nga lang naman ang "salamat po," pero kung bakit napakabagal pang pakawalan ng ibang tao, pero minsan mo lang pitikin-punahin, ay mas mahahaba pang litanya kaysa sa dadalawang salita lang namang "thank you" ang nakakaya nilang sabihin.

Mali ang katwirang hindi kasi mapagpakita ng kanyang nasasaloob si Piolo, kung gusto niyang magtagal sa larangang ito ay kailangang baguhin ng aktor ang kanyang naturalesa, huwag na niyang hintayin pang magsawa-mapagod ang mga taong tumutulong sa kanya na ni hindi man lang niya matapunan nang kakapiranggot lang namang salitang "thank you."

Nakalulungkot lang isipin na baka kapag dumating na ang panahong puwede na pala siyang magsabi ng "thank you" ay saka naman wala na pala siyang pasasalamatan.

JOJI

JOJI DINGCONG

LANG

LOU GOPEZ

PIOLO

PIOLO PASCUAL

STAR CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with