"Regine has one of the softest lips I've kissed,almost untouched" - Richard
January 19, 2002 | 12:00am
Humanga si Richard Gomez kay Regine Velasquez, kanyang kapareha sa pelikula ng Viva Films, ang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon.
"Napaka-generous niya, kaya pala gustung-gusto siyang ka-trabaho ng production crew," ani Richard.
"Kaugalian na sa tuwing makakatapos ang isang pelikula ay nagpapakain o nagbibigay ng mga regalo ang mga main stars sa crew. Napagkasunduan namin ni Regine na imbes na pera ay magpakain na lamang kami at magbigay ng regalo sa kanila. Naisip namin na gamit sa bahay.
"Nagdala ako ng mga 25 items pero, mahigit sa 100 pala (110, to be exact) ang bilang ng mga nakatrabaho namin. Si Regine ang nagpuno ng kakulangan, mga 85 na regalo ang dinala niya."
Inamin ni Richard na na-excite siya na malaman na makakatrabaho niya ang magaling na singer.
"Panay serious drama ang ginagawa ko. Maski nga yung last na ginawa ko with Sharon (Cuneta) ay seryoso rin. Pakiramdam ko nga pagod na pagod na ako sa kada-drama. Minsan nga halos ayaw ko nang makipag-usap sa asawa ko pagkagaling sa shooting dahil sabi ko sa kanya, pagod na pagod na ako.
"Itong movie namin ni Regine, very light at feel good movie. Bagay sa panahon.
"Nakita ko ang dedication niya sa trabaho. Alam niya kung ano ang gusto niya, kaya naman shes one of the biggest stars in the business. Hindi ako nagkamali na makatrabaho siya. Shes a box-office star. And its a fact, andun ang figures," sagot niya nang sabihan siya na baka pagtaasan siya ng kilay sa sinabi niya.
Bagaman at di na siya umaasa na makakaupo pa siya sa Kongreso dahilan sa panalo ng MAD sa Party List dahil ayaw silang i-proclaim ng gobyerno, natutuwa siya sa latest development sa Comelec na kung saan ay nabigyan sila ng pag-asa na ma-proclaim.
Although, patuloy naman ang pagpunta nila sa mga probinsya para sa MAD para ipaabot sa tao ang masamang epekto ng drugs, at bigyan ng edukasyon ang mga bata tungkol sa bawal na gamot, sinabi niya na mas marami silang magagawa kapag na-proclaim sila.
Ikaw Lamang Hanggang Ngayon also stars Candy Pangilinan, Tanya Garcia, Bentong, Luz Valdez, Liza Lorena, Berting Labra, Jaime Fabregas and Maureen Larrazabal. It is directed by Yam Laranas.
Kahanga-hanga yung ginawa ni Piolo Pascual na pagpapakumbaba sa kasamang Cristy Fermin na matagal na pala niyang kasamaan ng loob. Wala nga namang nawala sa kanya, bagkus ay naibalik pa ang dati nilang magandang samahan ng dating TV host at isa sa maituturing na magaling na entertainment writer. Kung ang ginawa niya ay gawin din ng ibang mga taga-showbiz na may samaan ng loob o kagalit, magiging mas masaya ang napakaliit na mundo ng local showbiz. MABUHAY KA, PIOLO.
Sinabi ng bagong dating na young actor (he toured Europe during Christmas time with his mom and sis) na sa halip na pansinin ang mga negatibong mga bagay tulad ng intriga na kalakip na ng buhay ng mga artista, binibilang na lamang niya ang mga dumarating na blessings sa kanya.
"Nag-worry nga ang mom ko nang malaman niya pero, pinayuhan niya ako. She gave me consoling words na nakapag-paluwag ng damdamin.
"Sana nga magkaayos na kami ng dating manager ko.
"I know we value more our friendship than anything else. Besides, wala namang may gusto ng nangyari. Nagkaroon lang ng confusion because ABS-CBN is also managing me.
"Hindi ko ini-expect ang nangyari sa akin. Yung hindi ko ini-expect na ma-achieve, nakuha ko. For this Im thankful. Pero, gusto ko pa ring ma-establish ng mabuti ang sarili ko. Para pagdating ng araw na mawala man ako, mayroon na akong maiiwan.
"I am also going back to school. Gusto kong makatapos ng college. Pangako ko ito sa mom ko. I plan to take up psychology or economics. Nakakuha na rin ako ng physical therapy at AB General pero hindi ko natapos. Next time na mag-aral ako, tatapusin ko na," pangako niya.
"Napaka-generous niya, kaya pala gustung-gusto siyang ka-trabaho ng production crew," ani Richard.
"Kaugalian na sa tuwing makakatapos ang isang pelikula ay nagpapakain o nagbibigay ng mga regalo ang mga main stars sa crew. Napagkasunduan namin ni Regine na imbes na pera ay magpakain na lamang kami at magbigay ng regalo sa kanila. Naisip namin na gamit sa bahay.
"Nagdala ako ng mga 25 items pero, mahigit sa 100 pala (110, to be exact) ang bilang ng mga nakatrabaho namin. Si Regine ang nagpuno ng kakulangan, mga 85 na regalo ang dinala niya."
Inamin ni Richard na na-excite siya na malaman na makakatrabaho niya ang magaling na singer.
"Panay serious drama ang ginagawa ko. Maski nga yung last na ginawa ko with Sharon (Cuneta) ay seryoso rin. Pakiramdam ko nga pagod na pagod na ako sa kada-drama. Minsan nga halos ayaw ko nang makipag-usap sa asawa ko pagkagaling sa shooting dahil sabi ko sa kanya, pagod na pagod na ako.
"Itong movie namin ni Regine, very light at feel good movie. Bagay sa panahon.
"Nakita ko ang dedication niya sa trabaho. Alam niya kung ano ang gusto niya, kaya naman shes one of the biggest stars in the business. Hindi ako nagkamali na makatrabaho siya. Shes a box-office star. And its a fact, andun ang figures," sagot niya nang sabihan siya na baka pagtaasan siya ng kilay sa sinabi niya.
Bagaman at di na siya umaasa na makakaupo pa siya sa Kongreso dahilan sa panalo ng MAD sa Party List dahil ayaw silang i-proclaim ng gobyerno, natutuwa siya sa latest development sa Comelec na kung saan ay nabigyan sila ng pag-asa na ma-proclaim.
Although, patuloy naman ang pagpunta nila sa mga probinsya para sa MAD para ipaabot sa tao ang masamang epekto ng drugs, at bigyan ng edukasyon ang mga bata tungkol sa bawal na gamot, sinabi niya na mas marami silang magagawa kapag na-proclaim sila.
Ikaw Lamang Hanggang Ngayon also stars Candy Pangilinan, Tanya Garcia, Bentong, Luz Valdez, Liza Lorena, Berting Labra, Jaime Fabregas and Maureen Larrazabal. It is directed by Yam Laranas.
Sinabi ng bagong dating na young actor (he toured Europe during Christmas time with his mom and sis) na sa halip na pansinin ang mga negatibong mga bagay tulad ng intriga na kalakip na ng buhay ng mga artista, binibilang na lamang niya ang mga dumarating na blessings sa kanya.
"Nag-worry nga ang mom ko nang malaman niya pero, pinayuhan niya ako. She gave me consoling words na nakapag-paluwag ng damdamin.
"Sana nga magkaayos na kami ng dating manager ko.
"I know we value more our friendship than anything else. Besides, wala namang may gusto ng nangyari. Nagkaroon lang ng confusion because ABS-CBN is also managing me.
"Hindi ko ini-expect ang nangyari sa akin. Yung hindi ko ini-expect na ma-achieve, nakuha ko. For this Im thankful. Pero, gusto ko pa ring ma-establish ng mabuti ang sarili ko. Para pagdating ng araw na mawala man ako, mayroon na akong maiiwan.
"I am also going back to school. Gusto kong makatapos ng college. Pangako ko ito sa mom ko. I plan to take up psychology or economics. Nakakuha na rin ako ng physical therapy at AB General pero hindi ko natapos. Next time na mag-aral ako, tatapusin ko na," pangako niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended