Vandolph, sama kay Alma sa Cebu!

May show si Alma Moreno sa Cebu City ngayon, January 18. Kasama niya ang anak na si Vandolph na sa regular shows nila ay kasama talaga lagi. Nang malaman ni Vandolph na pupunta sila ng Cebu, hiniling agad sa Mama niya na magsimba sila sa Basilica de Sto. Niño.

Totoong isang malaking miracle ang madaling paggaling ni Vandolph na ang kuwento sa Mama niya, nakakita siya ng angel sa kanyang panaginip. Na tinanong daw siya kung saan siya pupunta at pagkatapos ay sinabihan siyang "Go back." Pinayagan naman ng kanyang doktor si Vandolph na magbiyahe na dahil nakita nga nilang magaling na siya.

Ang proceeds ng show nina Alma sa Cebu ay mapupunta sa project ni Alma sa bayan nila sa Parañaque para sa libreng libing ng kanilang mga constituents.
* * *
Showing na ang Buko Pandan ng World Arts Cinema, pero hindi pa natatapos ang intriga sa dalawa nilang aktres na sina Maricar de Mesa at Pyar Mirasol. May lumabas kasing balita na inaapi raw ni Maricar si Pyar sa promo ng movie na dinirek ng box-office director na si Uro dela Cruz.

Ayon kay Maricar, kung sa kanya man na nakasentro ang publicity and promotions ng movie, dahil iyon daw ang gusto ng producer nilang si Ms. Jojo Galang. Naging fair daw lamang siguro ang kanilang producer dahil sa poster ng movie, very prominent naman ang picture ni Pyar plus nauna pa ito sa billing.

Hiling ni Maricar na huwag na lamang silang paglabanin ni Pyar at nang hindi na lumala ang gap nila, at kung may bagong movie offer na darating sa kanya na makakasama niya muli si Pyar, hindi naman siya tatanggi dahil trabaho lamang iyon.
* * *
Tiyak na magiging SRO na naman ang Virgin Café tonight, January 18, dahil magpi-perform doon ang unbeatable group ng Side-A na binubuo nina Joey Generoso, Naldy Gonzales, Kelly Badon, Ernie Severino at Joey Benin. Sila ang magpapasimula sa Virgin Café’s "Great Band Nights" series.

Ilan sa mga greatest hits ng Side-A like "Forevermore", "So Many Questions", "Will I Ever", "Hold On" ang kasama sa kanilang repertoire.

Sa February 8 & 9, mayroon namang pre-Valentine concert ang Side-A at Freestyle sa Araneta Coliseum.
* * *
Si Zsazsa Padilla ang special guest ni Martin Nievera sa series of concerts niya billed as Martin Nievera: XV4Ever — The Crossover Adventure Continues... sa Grand Ballroom ng Waterfront Hotel in Lahug, Cebu City tomorrow, January 19, sa La Salle Coliseum sa Bacolod City on January 26 at sa Freedom Right Ampi-theater at the Expo Filipino sa Clark Field, Pampanga on February 9.

Gusto sanang mag-back-out ni Zsazsa sa concert dahil pinagpapahinga siya ng doktor niya lest magtuloy ang kanyang chronic laryngitis at magkaroon siya ng nodules sa throat na lalong magpapawala sa boses niya, pero hindi pumayag si Martin at ang Crossover. After the concert series, magbabakasyon ng one month si Zsazsa at kung magagawa niya talagang hindi siya magsalita, gagawin niya. Minsan na raw nangyari ito kay Celeste Legaspi, at para gumaling nga raw ito, for one month, hindi siya nagsalita at kung may gusto man siyang sabihin o iutos, isinusulat lamang ito ni Celeste at malaki talaga ang naitulong nito para magtuloy ang paggaling niya.
* * *
Ang ganda pa ring pakinggan ang mga awiting tumanyag noong panahon ng zarzuela at natuwa kami nang maimbita kami ni Danny Dolor, head ng Tribong Pilipino Foundation nang magbigay parangal sila sa ika-100 kaarawan ng National Artist na si Atang dela Rama, billed as Handog Kay Atang sa Little Theater ng CCP (Tanghalang Aurelio Tolentino) last January 10. January 11, 1902 naman isinilang si Ka Atang.

Dumalo rin sa parangal ang dalawa pang National Artists, sina Nick Joaquin at Leonor Orosa Goquinco. Ilan pa sa mga dumalo sina Imelda Cojuangco, Irma Potenciano, Lina Litton, Justa Tantoco, Nene Vera-Perez at mga apo ni Ka Atang.

Puno dapat ang Little Theater, pero may two rows of seats na bakante sa gitna, ito iyong mga choice seats na para sa mga VIP’s ng CCP, pero hindi sila nag-aksayang dumalo man lamang, to think na isang National Artist ang pinarangalan. Mabuti na lamang at may isang Danny Dolor na nag-aksaya ng kanyang panahon para mabigyan parangal si Ka Atang, na binigyan ng standing ovation nung ipakilala siya. Binigyan din ng standing ovation ang mga performers na sina Rachelle Gerodias, Liza Cabahug at Lemuel dela Cruz, gayundin ang tatlo pang miyembro ng Tribung Pinoy na sina Lulu Francisco, Vladimir Valera at Gloria Coronel, at ang piyanistang si Julie Mendoza.

Show comments