Actually, hindi naman ito ang first time na nakita silang magkasama. In fact, may time na nakita silang magka-holding hands.
Well, wala namang masama kung tutuusin. Dalaga naman si Andrea at available si Diether.
Ang difference lang noon, hindi favor si Bong na magka-boyfriend si Andrea ng taga-showbiz dahil alam nga ni Bong ang sistema ng intriga sa showbiz. Pero ngayon hindi na kailangang sabihin ni Bong na favor siya kay Diether dahil payag na siyang isama sa lakaran si Diet, so obviously okey na sa kanya.
Anyway, after Weekends with Pops, concert ni Regine Velasquez and Brian McKnight ang gustong panoorin ni Bong. Kuwento nga ni Manay Lolit Solis, excited si Bong manonood ng concert, actually Valentine concert yun nina Regine at Brian. This time, sino kayang isasama ni Bong?
Incidentally, busy si Bong promoting his movie with Rufa Mae Quinto, Mahal Kita, Final Answer kung saan ibang Bong ang mapapanood sa pelikula.
Showing ang nasabing pelikula next week.
Leandro was the Close-Up Boy in 1999, featured in the commercial shot in the game room, samantalang si Rafael starred in the episode showing him and his leading lady shooting kisses at each other straight from their fragrant mouths.
Kaya naman sa pelikula, ipinakita ni Direk Wenn Deramas ang pagiging model ng dalawa. Si Rafael bilang billboard model kung saan na-in love si Jolina and Leandro as MRT operator na real-life sweetheart ng actress sa pelikula.
Sa kanilang dalawa, mas naunang mag-showbiz si Leandro. Unang napanood ang young actor sa Isusumbong Kita Sa Tatay Ko starring FPJ and Judy Ann Santos.
Kasama rin si Leandro sa dalawa pang blockbuster, Anak as Claudine Barrettos boyfriend starring Vilma Santos and Kahit Isang Saglit with Judy Ann Santos.
Napanood na rin siya sa soap opera, Saan Ka Man Naroroon and Your Honor.
Si Rafael naman grew up in Norway and was discovered for showbiz during a vacation here. Since then, Rafael has to stay put. Regular siyang napapanood sa Tabing Ilog. First movie niya ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip.
"Working with Jolina was truly enjoyable. Shes a jolly person, kaya walang dull moment sa set," Leandro said.
At any rate, the movie is set to kick off on January 30.
Tuwing Huwebes ng gabi, inaanyayahan ang magaganda at guwapong mga babae at lalake na lumahok sa Fashion 21 Aido Cosmetic "Mr. & Ms. Superbody Bikini Competition". Tumawag lang sa 4530080, 7005221 to 23 o mag-text sa 0917-8135916 (24 oras).
Para sa mga bagong banda, solo singers or gustong mag-part-time waitress o bartender, pumunta lang sa Padis MINDAVE at magdala ng bio-data.
Greetings... magbalita ka naman sa movie nina Richard Gomez at Regine Velasquez, tapos na ba ang shooting nila? Sana maglabas ka naman ng pictures nila together, excited na ako na mapanood sila together. As far as I know, dinirek ni Goma si Regine sa isang commercial ng Duty Free, sana gumawa rin sila ng MTV. MTV talaga, not for the movie pero sa isang song ni Regine na si Goma ang direktor. Exciting din yon. So please Salve, wait ako ng news about them, ha?
Thanks,
Sherilyn Olejo, Project 3, Q.C.