Martin, lilipat sa GMA 7!
January 17, 2002 | 12:00am
May nakapagkwento sa aking reliable source na taga-TV network din na malamang na matsugi na sa ere ang Martin Late@Night.
Hinaharana yata ng Syete ang magaling na singer para lumipat sa kanila.
Baka isa sa mga araw na ito ay magulat na lang tayo kapag napanood na sa isang programa sa GMA 7 si Martin.
Nasabi pa rin ng aking source na may problema ang istasyong kinabibilangan ngayon ng singer kaya maraming mga programa doon ang maaalis kung saan mawawalan din ng trabaho ang mga artista.
Makulay pala ang buhay ng baguhang sexy actor na si Alberto de Esteban. Hindi siya nangiming ikwento kung paano siya nagsimula sa kahirapan hanggang maging matagumpay sa buhay. "Nabuhay kami sa kahirapan. Sa gulang na disisais ay nag-stow-away ako mula sa Cabanatuan para makipagsapalaran sa magulong buhay sa Maynila. Isang taon din akong nakatira sa kalsada sa may LRT sa Baclaran kung saan nagpaligaya ako noon ng mga bading. Nabuhay ako sa tulong nila. Minsan ay tini-take home nila ako.
"Nang sumapit ako sa edad na 18 ay nagtrabaho ako sa Jollibee bilang stockman at nagsimula nang mangupahan ng isang maliit na kuarto. Pero hindi pa rin nagkasaya ang aking kinikita kaya tuloy ang pagpapaligaya sa mga mayayamang customer ng Jollibee hanggang may nagyaya sa aking pumasok sa Adonis gaybar noong 19 years old na ako. Dito ko natikman ang magandang buhay hanggang may nakilala akong mayamang pulitiko. Binibigyan niya ako ng P30,000 hanggang 50,000 bilang kabayaran sa aking serbisyo. Naging regular na ang sustento niya sa akin. Naging lover din ako ng isang matrona na asawa din ng pulitiko na nagbigay din sa akin ng pera! Dahil sa pagiging macho dancer ay nagkaroon ako ng kotse. Nakaipon ako ng malaking halaga na ginawa kong puhunan para makapagtayo ng isang agency. Nagsimula na akong tumulong sa aking pamilya. Nabigyan ko rin sila ng kotse," aniya.
Ngayong 2002 ay nagbago na ako ng buhay. Hindi na ako tumatanggap ng customer. Abala na ako sa pag-aasikaso sa aking promotion agency na nagdadala ng talent sa Japan at ibang bansa.
"Lumalabas na rin ako sa pelikula at nabigyan ng magandang break para maging bida sa Hayup sa Sex Appeal at ngayon naman ay sa Kaulayaw ng Tri-Vision Films na pag-aari nina Atty. Gaudioso Manalo kasama sina Lynn Madrigal at Yoly Leano. Nakakontrata ng apat na taon sa kompanya.
Pangarap niyang makapareha sina Joyce Jimenez at Assunta de Rossi. Malayo ang mararating ng baguhang aktor lalo pa at ang sumusuporta sa kanya ay si Jobert Sucaldito.
Malaki ang pag-asa ni Aleck Bovick na sumikat bilang bold actress dahil sabi nga ng nakararaming press na dumalo sa presscon ng Kaulayaw ay pinakabata ito ngayon sa mga sexy actresses bukod pa sa nagtataglay ng sopistikadong kagandahan na tipong hindi bastusin kahit maghubad pa.
Natuklasan si Aleck ni Ihman Ysturco ang tumatayong manager niya ngayon. Sa Goldilocks sa may Mandaluyong at binigyan ng calling card. Nang sumang-ayon siyang pumasok sa showbiz ay piniktoryal agad siya at isinama sa Kaulayaw. Half-German ang kanyang ina na namayapa na at Pinoy naman ang kanyang ama na humiwalay sa kanila ng kanyang stepmom dahil may iba na naman itong pamilya.
"Noong 12 years old ako ay nadama ko ang sakit nang iwan kami ng aking ama. Ang nagpalaki sa aming 11 magkakapatid ay ang aking madrasta. Lima kaming magkakapatid sa una at anim naman sa huli. Naging working student ako noong nag-aaral pa at nakarating lang ng second year sa haiskul.
"Minsan isang taon lang kami dalawin ng aking ama pero ngayon ay nawala na ang poot sa aking dibdib dahil hindi naman kami pinabayaan ni Lord. Pagbubutihin ko na lang ang aking trabaho bilang artista para makatulong ako sa aking pamilya," aniya.
Si Aleck ay nangangarap ding makawala sa bold image kapag may pangalan na siya. Balak niyang makilala bilang dramatic actress balang araw. Pero sa ngayon wala siyang di gagawin para sumikat lang. "Okey lang sa akin ang pagbo-bold at pagsabak sa maiinit na eksena huwag lang ipakita ang aking pinaka-private part," aniya.
Nakakontrata ang magandang aktres ng dalawang taon sa Tri-Vision Film para gumawa ng 10 pelikula.
Di man aminin ng sikat na aktor ang kanyang tunay na kasarian ay nalalaman naman agad ito dahil sa ibang klaseng pag-aasikaso niya sa kabaro. Kapag nagka-crush ito sa isang lalaki ay daig pa ang tunay na babae kapag nakikipag-date ito.
Ayon sa aking source minsan ay nagka-crush ito sa isang singer na may pangalan na rin. Inimbitahan niya ang guwapong lalaki sa kanyang magarang tahanan para doon mag-dinner. "Napaka-romantic ng ambiance sa dinning room na ang bading na aktor pa ang nag-ayos, may candlelight, romantic music at punumpuno ng bulaklak ang kapaligiran," sey ng aking source.
Hanggang crush lang ang turing nito sa guwapong singer at di sila humantong sa isang relasyon.
Hinaharana yata ng Syete ang magaling na singer para lumipat sa kanila.
Baka isa sa mga araw na ito ay magulat na lang tayo kapag napanood na sa isang programa sa GMA 7 si Martin.
Nasabi pa rin ng aking source na may problema ang istasyong kinabibilangan ngayon ng singer kaya maraming mga programa doon ang maaalis kung saan mawawalan din ng trabaho ang mga artista.
"Nang sumapit ako sa edad na 18 ay nagtrabaho ako sa Jollibee bilang stockman at nagsimula nang mangupahan ng isang maliit na kuarto. Pero hindi pa rin nagkasaya ang aking kinikita kaya tuloy ang pagpapaligaya sa mga mayayamang customer ng Jollibee hanggang may nagyaya sa aking pumasok sa Adonis gaybar noong 19 years old na ako. Dito ko natikman ang magandang buhay hanggang may nakilala akong mayamang pulitiko. Binibigyan niya ako ng P30,000 hanggang 50,000 bilang kabayaran sa aking serbisyo. Naging regular na ang sustento niya sa akin. Naging lover din ako ng isang matrona na asawa din ng pulitiko na nagbigay din sa akin ng pera! Dahil sa pagiging macho dancer ay nagkaroon ako ng kotse. Nakaipon ako ng malaking halaga na ginawa kong puhunan para makapagtayo ng isang agency. Nagsimula na akong tumulong sa aking pamilya. Nabigyan ko rin sila ng kotse," aniya.
Ngayong 2002 ay nagbago na ako ng buhay. Hindi na ako tumatanggap ng customer. Abala na ako sa pag-aasikaso sa aking promotion agency na nagdadala ng talent sa Japan at ibang bansa.
"Lumalabas na rin ako sa pelikula at nabigyan ng magandang break para maging bida sa Hayup sa Sex Appeal at ngayon naman ay sa Kaulayaw ng Tri-Vision Films na pag-aari nina Atty. Gaudioso Manalo kasama sina Lynn Madrigal at Yoly Leano. Nakakontrata ng apat na taon sa kompanya.
Pangarap niyang makapareha sina Joyce Jimenez at Assunta de Rossi. Malayo ang mararating ng baguhang aktor lalo pa at ang sumusuporta sa kanya ay si Jobert Sucaldito.
Natuklasan si Aleck ni Ihman Ysturco ang tumatayong manager niya ngayon. Sa Goldilocks sa may Mandaluyong at binigyan ng calling card. Nang sumang-ayon siyang pumasok sa showbiz ay piniktoryal agad siya at isinama sa Kaulayaw. Half-German ang kanyang ina na namayapa na at Pinoy naman ang kanyang ama na humiwalay sa kanila ng kanyang stepmom dahil may iba na naman itong pamilya.
"Noong 12 years old ako ay nadama ko ang sakit nang iwan kami ng aking ama. Ang nagpalaki sa aming 11 magkakapatid ay ang aking madrasta. Lima kaming magkakapatid sa una at anim naman sa huli. Naging working student ako noong nag-aaral pa at nakarating lang ng second year sa haiskul.
"Minsan isang taon lang kami dalawin ng aking ama pero ngayon ay nawala na ang poot sa aking dibdib dahil hindi naman kami pinabayaan ni Lord. Pagbubutihin ko na lang ang aking trabaho bilang artista para makatulong ako sa aking pamilya," aniya.
Si Aleck ay nangangarap ding makawala sa bold image kapag may pangalan na siya. Balak niyang makilala bilang dramatic actress balang araw. Pero sa ngayon wala siyang di gagawin para sumikat lang. "Okey lang sa akin ang pagbo-bold at pagsabak sa maiinit na eksena huwag lang ipakita ang aking pinaka-private part," aniya.
Nakakontrata ang magandang aktres ng dalawang taon sa Tri-Vision Film para gumawa ng 10 pelikula.
Ayon sa aking source minsan ay nagka-crush ito sa isang singer na may pangalan na rin. Inimbitahan niya ang guwapong lalaki sa kanyang magarang tahanan para doon mag-dinner. "Napaka-romantic ng ambiance sa dinning room na ang bading na aktor pa ang nag-ayos, may candlelight, romantic music at punumpuno ng bulaklak ang kapaligiran," sey ng aking source.
Hanggang crush lang ang turing nito sa guwapong singer at di sila humantong sa isang relasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended