Si Aiai nga ang katulong ni Pops sa paglapit sa audience para maka-duet ni Pops sa mga "uuuy" nila sa buhay, iyong mga songs na gusto nila, or theme song nila with their loved ones. Hindi nga pinaligtas ni Aiai si Kris Aquino na hindi man kumanta, ang gusto raw niya ay ang "Fallin" ni Pops, di rin niya pinaligtas si Bong Revilla na ang favorite song naman ay "When I Fall In Love". Di nga napansin agad ni Aiai si Diether Ocampo na nagtatago sana sa kanya, pero napilitan ding kumanta ng paborito niyang "No Other Love". Patungkol kaya ni Diet ito o ito ang theme song nila ni Andrea Bautista na siya niyang ka-date that evening? Naroon din si Joy Ortega, isa sa mga very close friends ni Pops at si Paul Cabral na balita namin ay papasok na rin sa showbiz dahil isa na siya sa magiging guest sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan teleserye sa Channel 2. Nakita rin namin si Pinky Amador na kasama ang British boyfriend niya.
At muli naming nakita ang love ngayon ni Pops, si Jacques Dupastier, na nang lalapitan sana ni Aiai ay biglang tinawag ni Pops. No wonder na inspiradong mag-perform si Pops, dahil laging present ang kanyang love.
How we wish na binigyan ng isang number na magkasama ang dalawang stage actors na sina RJ at Robert Seña (na siyang special guest ni Pops that evening, alternate sila ni Franco) dahil tiyak na patok na patok iyon. Dalawang songs from Moulin Rouge ang kinanta ni Robert, ang "How Wonderful World Is" at "Tragedy". Produced by Arian Works Management Corporation, directed by Floy Quintos, with Homer Flores as the musical director. Huwag ninyong i-miss ang dalawa pang weekends ni Pops at tiyak na magi-enjoy kayo.
Sang-ayon naman sa isang close friend nila, may blessing ng parents ni Kim ang pagpapakasal nila ni Dino. Pero pinabulaanan niyang on the family way na si Kim. May thyroid problem daw lamang talaga si Kim kaya ganoon siya kalusog at matagal-tagal daw ang gamutan bago siya pumayat para magka-baby sila ni Dino.
Kinausap daw siya ni boss Vic del Rosario ng Viva na sa kanila na gawin ang Rica-Bong team-up, kaya si Assunta ang kinausap nila at pumayag daw naman ang Regal Films at ang manager nitong si Direk Manny Valera. Magsisimula silang mag-shooting sa January 29. Hindi natuloy noong January 8 ang shooting dahil ipina-revise pa raw niya ang script.