^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, may kasamang bading sa Baguio

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sikat ang guwapong aktor na ito na alaga ng isang malaking kompanya. May nobya itong sikat na aktres din.

Minsan ay nagpunta ng Baguio ang aking source, sa isang diskuhan doon. Nakita ng reporter na may kasamang bading ang sikat na aktor at waring nagulat ito at iniwasan siya. Bigla ring nawala ang mga ito. Parang pinagtaguan siya.

Kailan lang naging magnobyo ang aktor at ang aktres na inilunsad na rin sa pagiging bida pero matamlay ngayon ang movie career kaya lang madalas itong napapanood sa telebisyon. Mainstay naman ang aktor ng isang TV show at alaga ng isang major network.
‘Bagong Buwan’ At ‘Bahay Ni Lola’ Ang Naglaban Sa Top Grosser
Ayon sa isang executive member ng Metro Manila Film Festival ay naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa nakaraang film festival bagama’t naging kontrobersiyal ito dahil sa mga binitiwang salita ni Cesar Montano.

Ang gross income ng mga nakaraang pelikula sa Metro Manila as of Jan. 3 ay ang mga sumusunod: 1.) Bagong Buwan – P43,626,576 2.) Bahay Ni Lola – P42,247,406; 3.) Yamashita – P27,676,236; 4.) Hubog – 

P15,776,581; 5.) Tatarin – P15,511,462; 6.) Susmaryosep – P2,056,999; 7.) Di Kita Ma-Reach – P836,704

Total – P147,731,964.00

Mas lalaki pa ang kikitain ng mga film entries outside Metro Manila kung saan ang pinakamababa ay 200 milyon. Noong nakaraang taon ang kabuuang kinita ng MMFF ay 155,189,674.00.
Gladys At Chris, Pormal Na Ngayon
Nagdiwang ng kanilang 9th anniversary noong Enero 8 bilang magnobyo sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Noong nakaraang taon ay sa Island Cove nagdiwang ng kanilang anibersaryo ang dalawa.

Sa taong ito ay sa Rockwell nagtungo ang magnobyo at maghapon silang magkasama. Doon na rin sila kumain at nanonood ng sine. Pero kaiba ang kanilang kasuotan ngayon kung saan medyo pormal ito. Nakabestida si Gladys samantalang naka-polo naman si Chris. First time nilang ginawa ito dahil noong nakaraang mga taon ay naka-rugged attire lamang sila.

Ano naman ang regalo ni Chris sa aktres? Binigyan nito ng isang magandang bracelet ang nobya at sorpresang regalo naman ang handog ni Gladys sa kanyang nobyo.

Hanggang ngayon ay stable pa rin ang relasyon ng dalawa at nag-iipon pa sila bago lumagay sa tahimik.
Direk De Guzman, Mana Sa Ama
Magaling na direktor si Angelito de Guzman kaya lang nalinya siya sa mga sexy films. Resident director siya ng ATB Films ni Lita Buenaseda at kasalukuyang ipinalalabas ang kanyang Sapagkat Kami’y Tao Lamang na di pinalad na nakapasok sa Magic 7 ng MMFF. Blessing in disguise naman dahil kumikita ito sa takilya ngayon.

Nagsimula si Direk noong 1988 at idinirek ang Sabik at Kasalanan Ba? Hindi kataka-takang maaasahan siya sa pagiging direktor dahil nagmana siya sa amang si Armando de Guzman na siya ring nagdirek noon ng Sapagkat Kami’y Tao Lamang at iba pa. Ang forte naman ng kanyang ama ay drama.

Bakit naman nalinya siya sa sexy films? "Siguro dahil ito ang naibibigay na assignment sa akin. Puwede rin naman akong magdirek ng drama gaya ng aking ama,’’ aniya.

Puring-puri nga siya ng mga artista ng ATB Films gaya ni Allona Amor dahil mahusay siyang makisama at komportable sila sa kanyang pamamaraan ng pagdidirek. Malapit nang ipalabas ang OPLAN Red Roses at S.E.L.D.A.

Dati ay ginagamit niya ang Lito de Guzman pero maraming nagkakamali sa pag-aakalang siya yong talent manager ng mga bold stars. Binuo na niya ang pangalang Angelito de Guzman para di malito ang mga tao.
Maricar, Type Si Jericho
Sa presscon ng Buko Pandan ay nakausap namin si Maricar de Mesa at tinanong tungkol sa kanyang lovelife. Ayon dito, zero pa rin siya dahil gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career na gumaganda ngayon. Bukod sa Buko Pandan ay may balak ang World Arts Cinema na bigyan siya ng solo movie at baka ang ipareha sa kanya ay si Jay Manalo.

Sa pangungulit namin ay tinanong namin ang seksing aktres kung sino talaga ang kanyang crush sa mga aktor. ‘‘Marami sila, Tita gaya nina Albert Martinez at Richard Gomez. Pero ang talagang type ko ay si Jericho Rosales dahil ang ganda ng mga mata niya at malakas pa ang sex appeal,’’ aniya.

"Sakaling ligawan ka ba ni Jericho ay sasagutin mo siya?" tanong uli namin.

"Siyempre kaya lang baka may nobya na siya. Pero kung talagang ako ang magugustuhan niya ay proud akong maging nobya niya,’’ sey nito.

Alaga si Maricar ni Douglas Quijano at kahit contract star siya ng Regal Films ay pinapayagan siyang lumabas sa ibang kompanya. Ngayong handa na siyang mag-bare ay ratsada siya sa paggawa ng mga pelikula sa World Arts gayundin sa MMG Films.

BAGONG BUWAN

BAHAY NI LOLA

BUKO PANDAN

CENTER

DAHIL

GUZMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with