Nagsimulang mag-artista sa Singapore
January 12, 2002 | 12:00am
Kaarawan ngayon ni Piolo Pascual. Marami siguro ang nag-iisip kung anong celebration ang gagawin niya dahil 25th birthday na niya today. Actually kababalik lang niya galing sa pagbabakasyon sa Milan, Italy kasama ang kanyang pamilya.
Bukod sa gagawing celebration sa ASAP, mapapanood din siya sa hapon dahil may birthday feature sa kanya ang The Buzz. At kahit birthday pa niya ay sasabak na agad siya sa maraming projects na naghihintay sa kanya.
Kahit hectic na siya sa taping ng Sa Puso Ko Iingatan Ka, tatlong pelikula agad ang nakahilera sa kalendaryo niya. Una ay sa Regal Films, ang Sweetheart kasama si Joyce Jimenez at sa Star Cinema with Donita Rose na may tentative title na Nine Mornings. Siyempre ipagpapatuloy din niya ang Dekada 70 kasama ang "Star For All Seasons" na si Vilma Santos.
Aktibo pa rin siya sa page-endorse para sa HammerHead Jeans and Shirts. At makikita din siya sa current commercial ng Sprite. At tutungo muli siya ng Japan sa February para mag-show at mag-promote para sa Dolphin Phone Cards. At sa March isa pa uling US tour kasama ang iba pang miyembro ng The Hunks.
Siguradong walang pahinga ngayong taon na ito si Piolo. Maganda ang pasok ng taon para sa kanya at sana tuluy-tuloy ang blessings para sa kanya hanggang matapos ang taon.
Madalas na napapanood si RJ Rosales bilang isang bading na type ni Andrea del Rosario sa Attagirl at isang singer sa ASAP. Pero bago na-discover si RJ sa local showbiz ay isa siyang theater actor sa Singapore. Sikat na sikat ang tinanghalan niyang play na "Chang and Eng" sa Singapore, isang kuwento ng magkapatid na kambal. Ngayon kasama si RJ sa Asian tour ng "Chang and Eng" na magsisimula sa March sa Kuala Lumpur, Malaysia. Susunod ay dito sa Manila sa April at sa Hong Kong naman sa May.
Bago umalis papuntang Kuala Lumpur si RJ ay makakasama siya ni Pops Fernandez sa Weekends with Pops sa On Stage sa Greenbelt. All Fridays and Saturdays ng January, makikita si RJ kasama ng concert queen at makikipagsabayan sa galing ni Pops sa pagkanta.
Isa pang bongga ang umpisa ng taon ay si Carlos Agassi. Matapos ang matagumpay na birthday concert and fashion show ni Carlos noong December ay isang concert series naman para sa Dickies apparel ang gagawin niya.
Starting at the Hard Rock Café on January 18, tinatawag na "Dickies Nights" ang concert-party na tiyak na dadaluhan ng mga celebrities at iba pang sikat sa industriya. Susunod ay sa Baguio, January 19 sa Spirits, sa Iloilo, January 25 sa Barracks, sa Bacolod, February 01, sa Quorum at balik sa Hard Rock Café sa Makati sa February 02. Si Carlos ay magkakaroon din ng Dickies Nights sa Davao sa The Venue on February 22. Isang espesyal na show ang gaganapin sa El Camino sa Dumaguete sa March 01 kung saan nagbukas ang Dickies ng kanilang unang store. Final stop ng concert tour na ito ay sa Ratsky Cebu on March 02.
Ang series of events na ito ay para sa unang anniversary ng Dickies sa bansa. Napili nila si Carlos dahil sa success siya bilang isang artista at performer at pagiging in tune niya sa imahe ng Dickies.
For your comments and feedback, you can email me at eric_ [email protected]
Bukod sa gagawing celebration sa ASAP, mapapanood din siya sa hapon dahil may birthday feature sa kanya ang The Buzz. At kahit birthday pa niya ay sasabak na agad siya sa maraming projects na naghihintay sa kanya.
Kahit hectic na siya sa taping ng Sa Puso Ko Iingatan Ka, tatlong pelikula agad ang nakahilera sa kalendaryo niya. Una ay sa Regal Films, ang Sweetheart kasama si Joyce Jimenez at sa Star Cinema with Donita Rose na may tentative title na Nine Mornings. Siyempre ipagpapatuloy din niya ang Dekada 70 kasama ang "Star For All Seasons" na si Vilma Santos.
Aktibo pa rin siya sa page-endorse para sa HammerHead Jeans and Shirts. At makikita din siya sa current commercial ng Sprite. At tutungo muli siya ng Japan sa February para mag-show at mag-promote para sa Dolphin Phone Cards. At sa March isa pa uling US tour kasama ang iba pang miyembro ng The Hunks.
Siguradong walang pahinga ngayong taon na ito si Piolo. Maganda ang pasok ng taon para sa kanya at sana tuluy-tuloy ang blessings para sa kanya hanggang matapos ang taon.
Bago umalis papuntang Kuala Lumpur si RJ ay makakasama siya ni Pops Fernandez sa Weekends with Pops sa On Stage sa Greenbelt. All Fridays and Saturdays ng January, makikita si RJ kasama ng concert queen at makikipagsabayan sa galing ni Pops sa pagkanta.
Starting at the Hard Rock Café on January 18, tinatawag na "Dickies Nights" ang concert-party na tiyak na dadaluhan ng mga celebrities at iba pang sikat sa industriya. Susunod ay sa Baguio, January 19 sa Spirits, sa Iloilo, January 25 sa Barracks, sa Bacolod, February 01, sa Quorum at balik sa Hard Rock Café sa Makati sa February 02. Si Carlos ay magkakaroon din ng Dickies Nights sa Davao sa The Venue on February 22. Isang espesyal na show ang gaganapin sa El Camino sa Dumaguete sa March 01 kung saan nagbukas ang Dickies ng kanilang unang store. Final stop ng concert tour na ito ay sa Ratsky Cebu on March 02.
Ang series of events na ito ay para sa unang anniversary ng Dickies sa bansa. Napili nila si Carlos dahil sa success siya bilang isang artista at performer at pagiging in tune niya sa imahe ng Dickies.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am