I thought it was ungentlemanly of him na dun mismo sa ginaganap na parangal i-air ang kanyang disgusto sa palagay niya ay hindi magandang trato na ginawa ng hurado sa kanilang movie na Bagong Buwan.
Aniya: "Thank you for the awards. No offense meant but as far as I am concerned the Best Picture is Bagong Buwan. You may think differently but its okay. Bibili na lang kami ng trophy sa Recto".
Kung sa palagay niya ay hindi fair ang naging judgement sa kanilang pelikula, he could haver called for a presscon makatapos ang parangal but I still believe na sana ay tinanggap na lamang niya ang kanyang tropeo nang wala nang patutsada. It would come later. Opinyon ko naman ito. Pero, syempre opinyon niya yun. At may opinyon din ang mga hurado na, unfortunately, ay hindi niya tinanggap ng maganda.
Yes, Cesar has the right to say how he feels. Just as reporters have the right to express their opinions pero, sana gawin nating lahat sa paraang makatarungan. Walang malisya at lalong hindi kaintri-intriga. At tama ka, Manay Norms, we all belong to the film industry that we are still trying to heal.
May bagong album si Joe na inilabas ng Universal Records na inabot ng dalawang taon para matapos. Ito ang "A Hearts Journey". Naglalaman ito ng mga contemporary pop item na aniya ay "more mature and tell of pain". Ni-cite niya especially yung awiting "I Have Found My World In You" na inawit niyang mag-isa at pinagduwetuhan din nila ng kanyang anak na si Lisa Chan. Naging katulong niya sa paglikha ng awitin sina Denise Rich at Peter Zizzo. Dito ay ibinuhos niya ang lahat niyang nararamdaman sa gagawing pag-aasawa ng kanyang anak.
Siyam ang sariling komposisyon ni Joe sa album. May kontribusyon din sa album sina Jungee Marcelo ("Please Dont Just Say Maybe" at Lillibeth Tan ("The Way I Feel For You")."Para mabigyan ng batang tunog ang album," paliwanag niya.
Ang iba pang nilalaman ng album ay ang "A Hearts Journey", "Easier Said Than Done", "If We Only Had More Time Together", "Here & Now" , "A Day In The Life Of A Song", "Night Time", "A Phone Call", "Theres No Getting Over You", "The Best Of Friends" at "Empty Space".
To date, Joe remains to be the only homegrown artist na nakatanggap ng dalawang Diamond Records award, for selling, more than 10 times platinum for the albums "Constant Change" at "Christmas In Our Hearts".
Magsisimula sana ang Campus Tour ngayong Enero 11 sa Mapua Institute of Technology at susundan ng mga palabas sa UP Diliman, Cainta Catholic College, Far East Air Transport Institute (FEATI), University of Baguio at ang grand culminating concert sa Araneta coliseum sa Abril 5.
Ang benepisyaryo ng mga konsyerto, ang Tahanang Walang Hagdan, ay isang organisasyon na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga orthopedically-handicapped para magawa silang productive at independent members of the society.