Isang napaka-laking karangalan na ni Donita Rose ay makilala bilang isang VJ sa Singapore. Nakalabas din siya sa TV sa bansang ito. Pinaka-latest na naka-penetrate sa TV world ng bansang ito sina Romnick Sarmenta at Rustom Padilla.
Si Isabel Granada ay hindi na baguhan sa Hongkong entertainment. Dalawang ulit na siyang nakagawa rito ng pelikula. Idagdag pa ang madalas niyang pagkanta rito at sa marami pang panig ng mundo.
May standing offer siya na lumabas sa pelikula sa abroad, ayaw pa niyang sabihin kung saan at baka raw mabantilawan, at napaka-ganda ng mga benepisyo na matatanggap niya libreng paninirahan sa isang eksklusibong lugar, of course with her mom, isang all-out promo na siguradong magbibigay sa kanya hindi lamang ng kasikatan sa bansang pagtatrabahuhan niya kundi maging internationally sapagkat ipalalabas sa maraming bansa ang mga pelikula niya at napaka-laking talent fee. Ang kapalit lamang nito ang mataman niyang pinag-iisipan. Kung tatanggapin niya kasi ay kailangang iwan niya, o kaya ay tapusin, lahat ng commitments niya rito sa Pilipinas at dun na mamalagi. Unlike Donita who can jet in and out of the country kapag gusto niya at kapag tapos na ang kanyang trabaho Isabel will have to stay away indefinitely, three years at the most, para magampanan niya ang inihahanda nilang big promo for her.
"Teka muna. Ang ganda nga ng offer pero, maganda rin naman ang takbo ng career ko dito sa Manila. Di lang sa movies, marami rin akong singing engagements. Plus nakakatanggap pa ako ng mga rakets outside the country, singing at maski na acting," anang magandang Espanyola na dito na sa Pilipinas lumaki at nagdalaga.
"Sino ba naman ang tatanggi sa ganito kagandang offer? Malaking karangalan ito para sa akin pero, kaya ko na bang iwan ang Pilipinas? Kapag natatagalan nga kami ng Mommy ko sa abroad, gusto ko na agad umuwi. Yun pa kayang permanente na akong mawawala? Talagang kailangan kong pag-isipan ito," dagdag pa niya.
"Hindi po ito isang presscon, gusto ko lang magpasalamat sa maraming kaibigan ko sa media na hindi sumali sa pagkokondina sa akin," patungkol niya sa kanyang dating maid, sa mga pinagsasabi nito sa kanya na aniya ay wala nang kwentang pag-usapan pa sapagkat naisampa na niya ang kaso sa korte.
It will be subjudice at this point although nung una ay medyo nag-alala siya. Because a lie repeated often enough becomes a fact. Baka nga naman himayin ng media, magiging unfair sa kanya.
"Wala na akong problema ngayon. Sila ang nagkaroon sapagkat kailangang idepensa nila ang sarili nila sa husgado," sabi niya.
Sinamantala na rin ni Korina ang pagkakataon para magpasalamat sa matagumpay na paglulunsad ng ABS-CBN ng Breast Cancer Awareness Campaign na siya ang tumatayong Project director.
Ang mga tinanggap nilang donasyon ay naging mahalaga sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa nakakatakot na sakit na ito.
Naging dahilan din ito para italaga ng kanilang chairman at CEO na si G. Eugenio Lopez lll na i-dedicate ang isang buong buwan sa bawat taon to the cause of fighting breast cancer in the Philippines. Ang "Hinaharap 2001" ay inilunsad Oktubre ng nakaraang taon at nagtapos sa isang telethon, tulad din nung 2000.
Yung anak ko, apat na buwan ang hinintay para makuha ang kanyang lisensya. Nang balikan namin, hindi pa handa. Pinalawigan pa ng 90 araw o tatlong buwan. Makuha na kaya niya after all this time?
Yung driver ko isang araw na nawala para makapag-renew ng lisensya. Akala ko ba, pwede na ng isang oras? Bakit naman lubhang napaka-tagal ng isang araw? Kung kulang ng tao, bakit hindi magdagdag ng gagawa? At bakit kailangan pa ng lisensya kung pwede naman pala yung mga temporary permit na ibinibigay habang wala pang lisensya?