Malalaking pelikula ng Viva sa taong 2002
January 9, 2002 | 12:00am
Sina Robin Padilla, Regine Velasquez, Richard Gomez, Judy Ann Santos, Rufa Mae Quinto at Bong Revilla ang ilan sa mga malalaking artista na tampok sa mga pelikula ng Viva Films ngayong unang kalahating taon ng 2002.
Opening salvo ang Mahal Kita, Final Answer nina Bong at Rufa Mae sa Enero 23. Tungkol sa isang mayamang binata na takot sa commitment. Nagbago siya nang makakilala ng isang nakatutuwang babae na binubuhay ang pamilya sa pamamagitan ng pagsali sa mga game shows sa TV.
Tampok din sina John Lapus at Bobby Andrews.
Isang office girl naman si Regine at golfer si Richard na nagkakilala at nagkaibigan sa isang nakatutuwang paraan sa Hanggang Ngayon na dinidirihe ni Yam Laranas. Kasama nila sina Candy Pangilinan, Lisa Lorena, Jaime Fabregas, Tanya Garcia at Maureen Larrazabal.
Pahinga muna sa romansa si Robin at balik sa hard action kasama si Angelika dela Cruz bilang isang Psychology student na ang pagbisita sa bilangguan ay nagpabago sa kanyang buhay, sa pelikulang Hari ng Selda mula sa panulat at direksyon ni Deo Fajardo, Jr.
Magtatambal naman sina Juday at Dingdong Dantes sa Bakit Ngayon Ka Lang. Isang sikyu si Juday ng isang condo na kung saan ay naninirahan ang guwapo at mayamang si Dingdong. Directorial debut ni Lyle Sacris, isang award winning video director bago kinuha ng Viva para mag-direk ng movie.
Ang iba pang pelikula ng Viva ay ang Stupid Love, binase sa hit song na may katulad na titulo ng Salbakutah. Starring sina Andrew E. at Blakdyak; Super B na nagtatampok kay Rufa Mae bilang Booba na may kapangyarihan at isang drama na magtatampok kay Sharon Cuneta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended