"Kaya lang, nalugi ang negosyo ko. Sa tinagal-tagal ng pagsisikap ko, sa wala rin napunta ang aking mga pangarap," aniya. "Saka ko natuklasan ang isang pa-contest sa TV. Si Ipe Pelino ang nago-audition. Akalain mo, nakapasa ako. Maliliit noong una ang roles ko, pero, tuwang-tuwa na ako. Sarap ng feeling na kahit ganito ang mukha ko ay puwede rin palang panoorin sa TV."
Matagal nagtiyaga sa TV si Long bago siya nagkaroon ng break sa pelikula. "Actually nitong nakaraang taon lang ako kinuha sa pelikula. Sa Escort ni Trovador "James" Ramos, Kapitan Ambo (Outside Da Kulambo) with Eddie "Manoy" Garcia pati nga ang Susmaryosep (4 Fathers) ng Maverick Films. At eto ngang Burles King Daw... Oh! kasama ko si Andrew E."
Bigla ring naalaala ng mga nakapanood ng rushes ng pelikulang ipalalabas na sa Jan. 16 sina Apeng Daldal at Rene Requiestas sa tipo ng comedy ni Long. Faces ika nga, only a mother can love. Pero, nakakagulat, dahil, mga babaero.
Latest nga kay Long, eh, ang pagiging mag-MU nila ni Angelica Jones na kasama niya sa isang noontime show. Balitang-balita nga ang pagbibigay niya ng isang diamond ring sa napakagandang dalaga.
At inamin daw ni Long na totoo nga, may mutual understanding na sila ng guwardiyadong dalaga. Bilib na bilib tuloy sa kanya ang kasama niyang si Andrew E. sa pelikulang Burles King Daw... O! na dinirek ni Ipe Pelino.